LAST CHAPTER

721 14 4
                                    

DALE'S

"Nasan kaya si mommy? Kahapon pa siya wala eh" sabi ni dash na kakambal ko.

"Hindi ko alam. Pero sigurado ako kinuha na siya na daddy umalis si daddy kanina eh" sabi ko habang naglalaro kami ng chess ni dash.

"Teka nga bat ito nilalaro natin?! Matatalo mo lang ako dito eh! Basketball naman tayo!" Inis na sabi ni dash kaya natawa naman ako bago tumango.

"Dash! Dale!" Napatingin kami kay tita grace umiiyak siya habang papunta samin kaya nag alala ako.

"Why tita?" Tanong ni dash.

"Ang mommy niyo. A-Ang mommy niyo.." umiiyak na sabi ni tita.

"Tita bakit po?!" Sabi ko na dahil natatakot na kami ni dash.

"Wala na ang mommy niyo."

Pagkasabi ni tita nun sumabay ang tulo ng luha ko. Narinig ko na umiyak si dash.

Ang mommy ko...

~~~~~~~

Dalawang linggo na nakalipas nailibing na si mommy. Biglang lumungkot ang bahay. Wala si mommy wala na maghahanda ng food namin ni dash.

Napatingin ako kay dash na nakatingin sa family picture namin.

"Mga anak" napatingin kami kay daddy. Lumapit kami ni dash para mag mano.

"May gusto lang ako sabihin sainyo mga anak" sabi ni daddy.

"Ano yun dad?" Tanong ko.

Huminga siya ng malalim bago tumingin sa may pinto namin.

"Mr. Morris pakipasok nga siya dito"sabi ni dad kaya nakita namin na pumasok si Mr. Morris. Pero may kasama siya.

Magandang bata siya mukhang 6 to 8 ang edad ganun. Ang amo ng mukha niya mukhang anghel. Inosente siyang tumitingin sa paligid.

"Sino siya dad?" Tanong ni dash.

"Siya si Aphrodite. Dito na siya titira"

"What?!" Gulat na sabi ko.

"Nakita ko siya sa gilid ng kalsada natutulog naawa ako kaya kinuha ko sana tratuhin niyo siya ng maayos" sabi ni daddy kaya Napatingin ako dun sa batang babae na nakatingin din sakin habang kagat kagat niya ang daliri niya.

Tingin tingin mo dyan?

~~~~~~~~~

Napatingin ako sa batang dinala ni daddy dito. Nasa sala siya kasama si dash at Hendrick yung anak ni Mr. Morris. Nagkukulay ata sila ng coloring book.

"Wow! Ang galing mo dash! Gusto ko din ganyan pano?" Sabi ni aphrodite.

Tumawa si dash at ginulo ang buhok nung aphrodite.

"Madali lang magkulay ng walang lampas matututo ka din niyan" sabi ni dash at nagkulay nanaman sila.

Napailing na lang ako at tuluyan na bumaba. Napatingin sakin yung aphrodite.

"Hello po kuya dale!" Sabi niya at kumaway pa sakin. Bakit sakin may 'kuya'?! Pero kay dash wala! Hindi ko na lang siya pinansin at pumunta ako ng kusina.

"Ate pwede pakilutuan po ako ng hotdog saka din po pala sina dash. Salamat po" sabi ko at umupo sa dining area habang hinihintay ko maluto yung hotdog.

Nagulat ako ng may umupo sa tabi ko. Hirap pa siya umupo.

"Hello kuya dale!" Bati pa niya.

UNWANTEDWhere stories live. Discover now