CHAPTER 7

411 18 1
                                    

APHRODITE'S   

1 am.

Nagugutom ako wala ako pagkain dito huhu bwisit!

Lumabas ako ng condo ko para pumunta sa condo ni dash na katapat ko alam ko nandyan siya eh nakita ko siya pumasok dyan kanina di niya lang ako napansin siya na lang guguluhin ko kaysa si kuya hypnos nakakahiya kay kuya hypnos eh.


"Tao po ehe dash hello nandyan ka ba sa loob" sabi ko habang nakatok sa pinto ng condo niya.


Napatigil ako sa pagkatok ng bumukas ang pinto. Si dale ba to?! pero May hikaw sa Tenga eh! Alam ko ayaw niya na nagsusuot ng hikaw! Nagulat ako ng ngumiti siya sakin.



"Oh ano kailangan ng aphrodite namin" so si dash to? Hindi si dale? Gagu seryoso ba to?! Pero bat ang lakas ng kabog ng dibdib ko habang nakatingin sakanya?! Dahil siguro magkamukha sila?


"D-Dash?" Sabi ko na parang naninigurado na siya si dash



"Oo ano sa tingin mo ako si dale? Mas gwapo ako dun! At may hikaw ako nuh" sabi pa niya. Gutom lang ata to kaya parang kaboses niya din.


"Parang si dale ka kasi sorry naman by the way may food ka ba dyan? Yung luto huh gutom ako eh huhu" sabi ko at pumasok sa condo niya.


"Bakit hindi ka nagluto dun sa condo mo bat ginugulo mo pa ako?" Sabi niya.




Lumapit ako sakanya at kumapit sa braso niya. Natigilan siya sa ginawa ko. Sus parang di ko siya nahahawakan maka react naman to.


"Baka nalimutan mo KUYA dash hindi ako marunong magluto nuh" sabi ko at ngumiti sakanya. Inirapan niya lang ako at nauna sa kusina. Hilig talaga mang irap nun!


"Teka lulutuan kita ng pagkain" sabi niya at naglabas ng itlog at hotdog galing ref.



"Thank you dash kaya lab kita eh" sabi ko at tumawa.



"Mas mahal mo ko kaysa sa kambal ko?" Sabi niya habang nakatalikod sakin.


"Hmm well mas mahal ko kambal mo kaysa sayo nuh! Kahit inaaway ako nun mahal ko yun! At loyal ako sakanya kahit may jowa na siya" Sabi ko.




"Sus mahal daw pero lagi kasama si Hendrick para na nga kayo magjowa eh" sabi niya.


"Ampota mandiri ka sa sinasabi mo oy! Kuya ko yun! Magkapatid kami kaya close kami! At kanino mo ako gusto maging close sa kambal mo?! Eh nakikita pa nga lang ako nun parang gusto na ako patayin!" Reklamo ko kay dash.


"May rason kung bakit ganun si dale. Layuan mo na lang wag mo na pansinin. Kahit siya di niya maintindihan bat siya sayo galit kahit wala ka naman kasalanan" sabi niya kaya napakunot noo ko.



"Anong kasalanan? Lagi niya ako sinisisi pero di ko alam kung ano kasalanan ko sabihin mo nga sakin kung ano yun Para naman alam ko kung bakit siya galit-" nagulat ako ng medyo padabog niyang nilagay sa harap ko ang plato na may pagkain.



"Kumain ka na lang wag mo na intindihin yung sinabi ko" seryosong sabi niya. Bigla din tuloy ako nagseryoso.



Yumuko na lang ako at kumain ng tahimik. Umupo yung lalake sa harap ko.



"Sabihin mo nga bat ka nagpanggap bilang dash?" Seryoso na sabi ko. Never ako pinagdabugan ng plato ni dash. Sweet at palangiti si dash hindi katulad netong nasa harap ko seryoso ang mga mata hindi tulad kay dash.



Huminga siya ng malalim at ngumisi sakin bago sumandal sa upuan niya at pinag krus ang mga kamay sa dibdib.



"Magaling ka talaga mag obserba aphrodite. Matalino ka naman pala pero para kang tanga na habol ng habol sakin." Sabi niya.



Tinapos ko muna ang pagkain ko. Aba sayang din to gutom ako nuh at kung nilagyan niya to ng lason mumultuhin ko na lang siya.



"So bakit mo to ginawa? Bat ka nagpapanggap?!" Sabi ko at tumingin sa mata niya.



"Dahil gusto ko malaman kung bakit madaling araw na ay may babaeng tulad mo na napunta sa condo ng isang lalake baka kasi nilalandi mo yung kapatid ko kasi hindi mo ako makuha" sabi niya. Tumayo ako at lumapit sakanya para sampalin siya.




"Eh gago ka pala putangina ka!" Hindi matapos ang sasabihin ko ng tumayo siya at sumigaw din.

"Wag na wag mo ko mamura mura aphrodite dahil-" hindi ko siya pinatapos dahil sumabat din ako.


"Dahil ano?! Palamunin niyo ko?! Pera ng tatay mo yung dahilan kung bat nabubuhay ako?! Dahil malas lang ako kaya wala ako karapatan na murahin ka?! Ano?! Punyeta ano?! Kasalanan ko ba na ayaw din sakin ng magulang ko katulad ng pag aayaw mo sakin?! Kasalanan ko ba?!" Umiiyak na sabi ko bago siya tinulak para tumabi para maka alis ako.



"Shit!" Rinig kong mura niya pero wala ako pake tangina siya!



Paglabas ko ng condo ni dash kung nasan si dale. Nakita ko si dash papasok sana ng condo niya.



"Aphrodite- teka ano nangyari sayo bat naiyak ka?!" Gulat na sabi niya At nilapitan ako para patahanin.



"Bwisit kasi yung kambal mo!" Inis na sabi ko at pumasok sa sa sarili kong condo.



"Hey aphrodite! Open the door" rinig ko na sigaw ni dash pero ayaw ko buksan nabubwisit ako naiinis ako sa sarili ko dahil bakit ba pinamigay ako ng magulang ko!




"Aphrodite buksan mo yung pinto!" Rinig ko na sigaw ni dash.



"Gusto ko mapag isa! Leave me alone!" Sigaw ko sakanya at umiyak ng umiyak.


"Kung gusto mo ng lalabasan ng sama ng loob nandito ako aphrodite makikinig ako buksan mo na to papasukin mo na ako" mahinahon na sabi ni dash.



Binuksan ko ang pinto at lumapit kay dash para yakapin siya para umiyak.


"Malas ba talaga ako kaya pinamigay ako ng mga magulang ko? Bat ayaw nila sakin? Ganun ba talaga nila kaayaw sakin kaya pinamigay nila ako? " Umiiyak na sabi ko habang yakap ko si dash.



"Shh don't say that Halika pumasok tayo sa condo mo" sabi ni dash pero bago kami pumasok ng condo nakita ko pa sa labas si dale at masama tingin samin.



Nakakasawa ang ugali ni dale grabe...




PAVOTEEEEE THANK YOUUUU MWUAH!





UNWANTEDWhere stories live. Discover now