CHAPTER 11

410 17 0
                                    

APHRODITE'S

"Uy lapit na graduation natin!" Excited na sabi ko. Nakatambay kami dito sa may garden dahil wala daw klase. yung mga teacher ng grade 10 may meeting kaya ganto kami.

"Oo nga akalain niyo talaga yun oh makakapag tapos pala kayong tatlo" sabi ni faye kayna cloud natawa naman kami ni deana.

"Hoy grabe ka ha! Loko loko kami pero ayaw namin bumagsak mataas grades namin nuh" sabi ni cloud at kumain ng burger actually hati sila ni deana ng burger eh nagsusubuan nga sila sa harap ko ngayon.

"Tangina ano aga aga puro harutan kayo dyan!" Inis na sabi ko kayna deana. Inirapan ako ni deana.

"Che! Inggit ka lang ayan magpasubo ka kay dos magsama kayo niyan!" Sabi niya at inirapan ulit ako.

"No way! Loyal ako kay dale nuh!" Sabi ko.

"Sus! Loyal ba Sayo? Balita ko jowa nun si isabella eh! Yung babaeng maganda na senior high natin ang sexy nun! Wala ka pala dun eh maganda at sexy eh" sabi ni dos.

"Bwisit ka! Mapanaket ka ng damdamin!!" Inis na sabi ko at hinabol siya.

"Hoyyy! HAHAHAH joke lang eh!" Sigaw niya habang hinahabol ko siya.

"Pag naabutan kita sasakalin talaga kita dos!!" Inis na sabi ko at binilisan ang takbo.

"Aba taena kabayo ka ata ang bilis mo!" Balik na sigaw niya sakin naghahabulan pa din kami.

Napapatingin samin yung nadadaanan namin. May naririnig pa ako na magjowa na naghahabulan daw kami ni dos nakita ko daw si dos na may kabit kaya hinahabol ko. Oh diba ganun ako kachismosa malakas pandinig ko.

"DOS!! MAABUTAN LANG KITA MASASAKAL TALAGA KITA!!" inis na sabi ko pero siya tawa lang ng tawa.

"Sige sakalin mo ko choke me aphrodite ack— HAHAHAHHA" sabi pa niya at tumakbo ng mabilis.

"Bwisit!" Inis na sabi ko. Hindi ko na alam kung saan ako nakakarating.

Maaabutan ko na sana si dos ng bumangga ako sa lalake na biglang lumabas ng cr kaya natumba ako at hindi nahabol si dos.

"Ay gagi!! Sorry kuya sorry po!! Ang tanga ko sorry po! Bwisit talaga yun si dos argh!!" Inis na sabi ko at pinagpagan yung palda ko. May konting galos din ako sa braso napalakas kasi bagsak ko.

"Ang tanga mo nga. Pano kung mga bata nabangga mo bat pa kasi kayo naghahabulan?" Napatingin ako sa nabangga ko.

"Dale? Ginagawa mo dito? May kailangan ka ba kay Hendrick? O kay deana?" Sabi ko habang nakangiti sakanya. Tatlong linggo ko siya hindi nakita nuh namiss ko siya kahit masungit siya.

"I'm here for my girlfriend. Susunduin ko siya" sabi niya. Nawala tuloy ngiti ko. Oo nga pala may jowa siya nalimutan ko hmp

"Ahh sige alis na ako punta ka na sa girlfriend mo bye dale!" Sabi ko at aalis na sana ako kaso hinawakan niya braso ko naramdaman ko tuloy yung spark namin charot.

"Wait aphrodite" pigil niya sakin.

"B-Bakit?" Gaga self bat ka nautal?! Myghad

"May sugat ka. Dadalhin kita sa clinic para magamot natin yang sugat mo" sabi niya at hinila ako papunta sa clinic. 

"Eh pano si isabella diba siya yung pinunta mo dito? Baka hanapin ka nun." Sabi ko sakanya.

"Hindi niya alam pupunta ako kaya hindi ako nun hahanapin" sabi niya.

"Dale hindi naman na kailangan gamutin to hindi malaki na sugat to gagaling din agad to" sabi ko at pilit hinihila yung kamay ko pero humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

"Mas mabuti na gamutin yan. Pano pag lumala yan? Edi dadalhin ka sa hospital tapos magiging pabigat ka kay dad. Pabigat ka na nga sakin pati ba naman kay daddy" sabi niya lang.

"G-Grabe naman Yung lumala eh hindi naman malaki yung sugat" sabi ko sa sarili ko.

"Maliit o malaki man Aphrodite sugat pa din yan delikado pa din" sabi niya. Wala na ako magawa lahat ng sasabihin ko may sagot siya eh.

"Edi wow kala mo naman mamamatay ako sa sugat na maliit" bulong ko na lang.

"Hello Mr. Trevino ano kailangan niyo?" Napatingin ako sa nurse Hindi si nurse lenie to nasan yun favorite nurse ko yun eh.

"Nasan si nurse lenie miss?" Curious na sabi ko pero hindi niya ako pinansin nakatingin lang siya kay dale habang nakangiti. Aba maharot!

"Miss may sugat siya pahiram kami ng first aid kit niyo" sabi ni dale.

"Okay sir wait lang" maharot na sabi niya bago tumalikod at kumuha ng first aid kit.

"Aba maharot si dale lang kausap ano ako dito multo?" Inis na sabi ko.

"Shut up Aphrodite" suway ni dale sakin kaya inirapan ko siya.

"Sir ito po" sabi ni ate nurse na di ko kilala at wala ako balak kilalanin.

"Thanks" sabi niya sa babae at hinila ako sa isa sa mga kama dito sa clinic.

"Tsk. Asan ba kasi si nurse lenie mas gusto ko yun mabait kaysa dyan sa bago mukha maharot" reklamo ko pero wala naman pake si dale.

Habang nakatingin ako sakanya hindi ko napansin binuhusan niya ng alcohol yung braso ko kaya napasigaw Ako.

"Aray!!! Ang hapdi!! Waaaaaahhhh hapdi tangina!!" Sigaw ko.

"Sir ano po nangyayari? Need niyo po help ko?" Gulat na sabi ni ate girl.

"Wag na ako na bahala dito." Sabi niya kaya tumango si ate nurse bago sinara ulit yung kurtina.

"Gago ka ba?! Sakit nun tangina-"

"Aphrodite diba sabi ko ayaw ko na naririnig kayo na nagmumura?!" Inis na sabi niya at binuhusan ulit ng alcohol yung sugat ko.

"Aray masakit ha!" Naiyak na sabi ko. Ang sakit eh! Nakakaiyak yung sakit.

"Tsk. Napapala mo tanga. Nakikipag habulan ka pa ha. Kaya wag ka magreklamo ginagamot ka na nga eh" sabi pa niya.

"Wow salamat ha" inis na sabi ko.

"Aphrodite!" Napatingin kami sa bumukas na kurtina at nakita namin si deana kasama si faye.

"Hoy babae kailan ka pa naging lampa bat may sugat ka? Sabi ng nakakita nabangga ka daw kala ko nga nabangga ng kotse tao pala nabangga mo" sabi ni faye habang natawa.

"Eh kasi hinahabol ko si dos diba! Tapos di ko napansin bigla sumulpot itong si dale at nabangga ko kaya ayun natanga ako" inis na sabi ko.

"Tsk so kasalanan ko? Bahala ka na jan kaya mo na yan kailangan ko na umalis" sabi ni dale at lumabas ng clinic.

Pag alis ni dale hinampas ko si deana.

"Aray! Bat ka nananakit kami na nga nag aalala sayo eh!" Inis na sabi niya.

"Gaga kasi nagkaroon na kami ng moment ni dale na hindi nag aaway bigla kayo susulpot dalawa!" Sabi ko.

"Oh? Di ka na niya sinabihan ng masasakit na salita?" Gulat na sabi ni deana.

"Hmm sinabihan niya ako na tanga at pabigat pero bukod dun wala na at feeling ko medyo mabait siya ewan dun may sapi ata" sabi ko at tumawa.

"Mabait sayo yun? Sinabihan ka ng pabigat nanaman?! Ewan sayo Aphrodite babaliw ka na ata" sabi ni deana at umiling iling pa.

"Uyy kawawa naman ang baby Aphrodite may sugat" napatingin ako sa bagong dating sina dos.

"Gago ka! Ikaw may kasalanan neto!" Inis na sabi ko at sinabunutan siya.



PAVOTEEEEE THANK YOUUUU MWUAH!!

UNWANTEDحيث تعيش القصص. اكتشف الآن