CHAPTER 21

387 15 1
                                    

APHRODITE'S

Dahan dahan lumayo ang mukha niya dumilat na din ang mata niya habang nakatingin sakin. Nanlalaki pa din mata ko. PANO HINDI MANLALAKI MATA KO HINALIKAN AKO NI DALE?! SI DALE!! DALE NA GUSTO KO?!

"Maniniwala ka ba pag sinabi ko sayo na matagal na kitang gusto?" Mahinahon na sabi niya habang nakatingin pa din sakin.

WAIT OMYGHAD! MAHIHIMATAY AKO HINDI KO KINAKAYA TO! ANO NANGYAYARI!!

"Wait ano ikalma natin wait hindi kinakaya ng puso ko" sabi ko at yumuko.

"Ha?"

"W-Wait nahihirapan ako huminga" sabi ko at napahawak sa dibdib ko kung nasan ang puso.

Nakita ko na nag aalala siya

"Aphrodite bakit? Ayos ka lang? Fuck! Sabi na eh mabibigla ka dapat hindi na lang ako umamin!" Inis na sabi niya at hinaplos ang buhok ko.

"Gago wala masakit kinikilig lang ako shit!" Sabi ko at tumawa. Mukha naman nakahinga siya ng maayos.

"Pero wait niloloko mo ko?! Hay nako! Lasing ka na tara na tama na pantitrip sakin!" Sabi ko at hinila siya. Baka kasi nalasing siya sa dalawang can beer na yun kaya ganto siya tapos hinalikan pa ako.

"Hindi ako—" hindi niya natapos sasabihin niya ng inunahan ko siya

"Hush. shh. shut up. daley baby lasing ka lang. Jusme dalawang beer lang yun lasing ka kaagad myghad" sabi ko at naglakad kami pabalik sa bahay ni tito George.

"Bat ba ayaw mo maniwala?" Inis na sabi niya kaya tinidnan ko siya at tinaasan ng kilay.

"Wow Mr. Trevino inis ka niyan?" Pang aasar ko. Inirapan niya lang ako at di na nagsalita.

"Hoy" simpleng sabi ko sakanya kaya Napatigil siya ng lakad at tumingin sakin.

"What?" Balik sa pagiging masungit ah!

"Celebrate tayo" sabi ko sakanya at ngumiti. Napakunot ang noo niya.

"What shall we celebrate?" Nagtataka na tanong niya.

"Aba potangina nakuha mo yung first kiss ko dapat mag celebrate tayo" sabi ko pa.

Natulala siya sa sinabi ko.

"F-First kiss mo yun?" Gulat na sabi niya. Tumango tango ako sakanya.

"Yup!" Sabi ko

"Ako first kiss mo?" Tanong niya.

"Tangina oo nga! Hindi ko man lang na namnam yung first kiss ko binigla mo kasi ako—" nagulat ako ng halikan niya ako.  Kaya ayun natahamik ako

"Ang ingay mo halik lang pala makakatahimik sayo tara na gabi na bukas ka na mag celebrate" sabi niya at hinila ako.

Tangina ano nangyari? Bat siya ganto?!




"WAG ka maniwala kay aphrodite baka sa panaginip lang yun nangyari" sabi ni faye. Natawa naman si deana. Ka video call namin si faye nandun siya sa japan bakasyon nila kasama pa nga sina uno eh! Close agad ang family sana ol!

"Tangina to pag nandito ka lang nasabunutan na kita!" Inis na sabi ko.

"Gawa nga gawa" paghahamon ni faye.

"Eh totoo naman kasi yung kwento ko. kagabi lang nangyari!! Tapos ayun umamin siya hindi nga ako naniniwala eh lasing kasi ata siya kagabi" sabi ko pa.

"Ay lasing pala eh! Wala yun akala ata niya ibang babae kausap niya kaya hinalikan niya" sabi ni faye.

"Pigilan mo ko deana masasapak ko tong laptop mo" sabi ko kaya tawang tawa na kinuha ni deana yung laptop.

"Wag lagot ka kay papa sige." Sabi niya at tumawa tawa pa din.

UNWANTEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon