CHAPTER 28

321 12 0
                                    

APHRODITE'S

"Weh talaga ba?" Tanong ni faye. Nasa video call ulit kami pero kasama ni faye si uno katabi niya nasa bahay ata sila ni uno.

"Gagi girl kung nandito ka lang kagabi para siyang baliw nakangiti habang nainom ng juice. Parang lutang ganun! Yun pala may aminan na naganap kahapon!" Sabi ni deana.

"Hindi ko talaga inaakala aamin siya kagabi na simula bata pa lang kami may gusto siya sakin" sabi ko at nakatingin sa bintana. Ganda ng weather ngayon hihi.

"Pero kung ako sayo aphrodite wag ka magtiwala agad. Parang ang bilis naman kasi diba umamin siya sayo eh parang kailan lang galit na galit sayo yun." Sabi ni deana kaya Napatingin ako sakanya.

"Tama si deana. Pero sabi simula bata pa lang kayo gusto ka niya. Ewan ang gulo ng mga lalake talaga" sabi ni faye at umirap.

"Kung ako sayo aphrodite maniwala ka kay dale sa mukha nung lalake na yun parang walang time para magloko masyadong seryoso sa buhay nun!" Sabi ni uno na katabi ni faye.

"Usapang babae to pero sabat ka nang sabat" inis na sabi ni faye.

"Eh naririnig ko kayo nag uusap di ko matiis sumali" sabi ni uno. Umirap lang si faye.

"Pero tama si uno ha" sabat naman ni deana.

"Oh diba faye tama daw ako!" Parang bata na masaya si uno.

"Ewan sayo uno"

"May point kasi si uno. Sa mukha ng kapatid ko na yun mukhang walang time sa pagloloko saka pag niloko ka niya magagalit si papa diba?  Sina tito baka itakwil siya diba!" Sabi naman ni deana kaya mukhang nakumbinsi nila ako.

"Excuse me po mga maam hinahanap po ni sir dale si maam aphrodite nasa sala po siya magbihis ka daw po may pupuntahan kayo" sabi nung yaya sabay layas.

"Ay may date si gaga go mag ayos ka para pretty ka kaya mo na sarili mo" sabi niya at pinagtulakan ako.

Shit ano susuotin ko sa kasal namin— I mean sa lakad namin pala.

Okay self mamili ka na ng damit Para hindi na mag antay si dale oh gosh!

Napili ko ay isang black cocktail dress at doll shoes simple lang pero ang ganda ko.

"Hoy gaga tagal mo dyan lumabas ka na! May date daw kayo tinanong ko si dale bilis labas dyan!" Sigaw ni deana mula sa labas

"Tangina ito na oh wait lang!" Sabi ko at nag lagay ng konting lipstick at lumabas na.

"Wow ganda mo. Go na alis na kayo ni kuya date well!" Sabi pa niya at pinagtutulakan ako.

"Tangina mo di ka naman siguro nagmamadali nuh? Gusto mo ba ako mahulog dito sa hagdan tangina ka" inis na sabi ko pero umirap lang siya at tumawa.

"Enjoy girl! Kwento mo kung ano nangyari after ha" sabi pa niya at pumasok sa kwarto niya. Napailing ako at bumaba na.

Pagbaba ko sa hagdan nakita ko si dale sa may sala nakatulala parang may problema ano kaya problema neto?

"Huy dale lalim ng iniisip ah. Okay ka lang? Aalis pa ba tayo? Parang kasi pagod ka pwede naman di tayo tumuloy—"

"No, I'm okay. Let's go?" sabi niya at ngumiti sakin at hinawakan ako sa braso ng marahan.

Habang nasa byahe kami napapansin ko pagiging malalim niya mag isip.

"Sigurado ka ayos ka lang? Nag aalala ako sayo eh" sabi ko at tinidnan siya. Napatingin siya sakin at ngumiti.

"Yeah aphrodite I'm okay. P-Pwede ko ba hawakan kamay mo habang nagdadrive ako?" Tanong niya at hinalikan ang likod ng kamay ko.

"Oo naman pwede kaso baka mahirapan ka—"

"No, it's fine gusto ko hawakan kamay mo habang nasa byahe eh" sabi niya at tumawa. Kinikilig ako tangina landi niya!

"B-Bahala ka nga!" Inis na sabi ko at tumingin sa labas.

"Cute mo kiligin" rinig ko na sabi niya at tumawa siya. Gago feeling ko namumula ako!

"Ang pula mo aphrodite wag ka masyado kiligin baka mahimatay ka" pang aasar niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Cute mo din magalit kailan ka ba hindi magiging maganda o cute sa paningin ko tangina" sabi niya at binilisan ang pagdadrive.

"Lah parang gago" yung lang nasabi ko at tumingin sa labas.




"HELLO maam, sir good day this way po" bati ng waiter ng pinasukan namin na restaurant. Kumapit ako sa braso ni dale.

"Gagi masyado ata sosyal dito" bulong ko sakanya.

Tumawa naman siya.

"Hindi ah saka saglit lang tayo dito kakain lang tayo then pupunta ulit tayo dun sa lot na pinuntahan natin kung san ako magpapatayo ng bahay natin na sinabi ko" sabi niya kaya tumango na lang ako.

Habang nakain kami ng pagkain malamang. Bigla nag ring ang cellphone niya. Pinatay niya yun pero nag ring ulit.

"Sige na sagutin mo na baka importante yan eh" sabi ko. Huminga siya ng malalim bago tumango.

"Sige saglit lang to" sabi niya at lumabas para sagutin ang tawag.




PAVOTEEEEE THANK YOUUUU MWUAH!

UNWANTEDWhere stories live. Discover now