CHAPTER 27

333 15 0
                                    

APHRODITE'S

"Bakit lolo Hendrick? May regalo ka ba sakin kaya gusto mo malayo tayo sakanila? Or may sasabihin ka? Omygosh hoy baka aamin ka ng feelings mo sorry pero—"

"Kung itulak kaya kita dyan sa pool walangya ka napakadaldal mo pasalitain mo ko bago ka magwala dyan" inis na sabi niya. Natawa naman ako.

"Sorry na lolo Hendrick sige na ano ba yun?" Sabi ko at umupo. Tumabi din siya sakin.

May inabot siya sakin na maliit na box.

"Happy birthday bunso" sabi niya kaya Napatingin ako dun sa box na bigay niya at binuksan ko. Wow hairpin na metal gold ata nakalagay yung name ko ang cute!

"Wow ang cute naman neto!! Thank you Hendrick" sabi ko at niyakap siya.

"Welcome. Ingatan mo yan tig 100 yan sa shop na binilhan ko tapos dagdag 100 dahil pinalagay ko name mo ang laki ng gastos ko" sabi niya kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Oo na! Iingatan ko to sayang 200 pesos mo eh" sabi ko at inirapan siya kaya natawa naman siya.

"Magiging busy ako. May pinapaayos sakin sina tito pero makikita mo pa din naman ako pero minsan lang alam mo na I'm a busy person kasi" sabi niya kaya binatukan ko siya.

"Busy person ampota basta magpapakita ka pa din ha! Bago ka magpakita bili ka ng pasalubong sakin!" Sabi ko kaya natawa siya.

"Oo na"

Napatigil kami sa usapan ng bigla may tumawag sa cellphone niya.

"Yes hello? Ano kailangan niya?" Rinig ko na sabi ni Hendrick kaya Napatingin ako sakanya.

"Oh sige sige punta ako dyan mag umpisa na kayo maghanap habang papunta ako dyan. Sige bye" tumingin sakin si Hendrick.

"Mauna muna ako Aphrodite may hahanapin lang ako. Mag ingat ka dito ha. bye" nagmamadali na sabi niya. Sayang hindi man lang ako nakachismis.

"Ano masaya ka habang kausap si Hendrick at nalimutan mo ko ha?" Napatingin ako sa likod ko nandun si dale nakasimangot.

"Omygosh kabote ka? Bigla bigla ka nasulpot. Saka ano ginagawa mo dyan? Nakikinig ka sa usapan ng may usapan ha chismoso to" sabi ko at inirapan siya. Umupo siya sa tabi ko.

"Ano pinag usapan niyo?"

"Chismoso ka na ngayon? Wala nagbigay lang siya ng regalo ang ganda hairpin oh tidnan mo nasa hair ko na siya tidnan nakalagay din name ko tidnan mo nakintab pa—"

"Kita ko Aphrodite di ako bulag" inis na sabi niya.

"Buti pa si Hendrick may regalo ikaw wala!" Sabi ko at inirapan siya.

"Sigurado ka wala ako regalo sayo?" Bulong niya sakin kaya napalayo ako sakanya. Nakikiliti ako ano ba!

"Oo wala! Sigurado ako nuh!" Inis na sabi ko.

"Hoy pumasok na kayo dito malamok na gabi na oh" napatingin kami kay dash na nasa pinto ng mansion.

"Mamaya mauna ka nga dun. Dun ka muna" inis na sabi ni dale kaya natawa si dash at iniwan kami.

"Oh" napatingin ako sa inabot niya sakin na lalagyan. Pagbukas ko May singsing na mukhang mamahalin dahil sa tatak pa lang jusko nakita ko to eh mga nasa 20k pataas to! Rose gold siya na may diamond sa gitna. Ang ganda!

"Nagustuhan mo?" Tanong niya.

"Gago ka ba? Pano ko to hindi magugustuhan eh higit 20k ata to sa sikat na store na binilhan mo! Jusko ang mahal neto sobrang ganda pala kala ko sa internet lang siya maganda yung kulay ang ganda yung design—"

"Tinatanong ko lang kung nagustuhan mo hindi yung ang dami mo sinasabi" sabi pa niya. Hinampas ko siya sa braso.

"Syempre naman! Ang ganda ganda nito eh alangan di ko magustuhan!" Sabi ko pa.

"Bat parang napipilitan ka magustuhan yan?" Sabi niya at tinidnan ako ng masama.

"Parang gago. Gusto ko nga! Lahat ng ibibigay mo gusto ko! Kaya thank you dale ngayon lang ako nakatanggap ng regalo mula sayo kaya gustong gusto ko to" sabi ko at sinuot ang regalo niya.

"By the way promise ring yan. Kaya ingatan mo yan. Pag nalulungkot ka tidnan mo yan pag wala ako. Isipin mo na kung kahit malayo ako babalik ako sayo" sabi niya habang nakatingin sa mga star sa langit. Hindi ako makasalita dahil sa mga sinabi niya. At dahil hindi ako nagsalita. Nagsalita ulit siya.

"Naalala mo yung mga gamit regalo na nasa kama mo every birthday or kahit anong occasion?" Tanong niya kaya Napatingin ako sakanya at tumango.

"Naalala ko yun minsan may dress yung regalo sakin or shoes o kaya mga accessories or bags na mamahalin iniisip ko nga si tito gabriel or tito George ang nagbibigay eh sila naman nagbibigay ng ganun pero nung graduation ko may regalo ulit sa kama ko pero ngayon may letter na siya—"

"Sakin lahat galing yun. Hindi siya galing kay tito George o kay daddy. Sakin galing yung mga yun." Sabi niya kaya Napatingin ako sakanya.

"I-Ikaw? Sayo? Imposible. Hindi ba galit ka sakin? Hindi ba ayaw mo sakin? Bakit ganun? Bakit ganto ka dale? Pinagtitripan mo ba ako? Bakit ang bait mo bigla? Bakit ganto? Hindi ko kasi maintindihan" tanong ko.

"Sabi kasi nung gago kong kakambal wag ko daw pigilan nararamdaman ko. Kaya ito. Bata pa lang tayo minarkan na kita na akin ka na ako lang dapat kalaro mo ng badminton dati ako." Sabi niya.

"May nararamdaman ka sakin? Omyghad dale ha ikaw ha tangina mo" sabi ko at pinaypayan ang sarili gamit kamay ko. Bat ang init?

"Seryoso ako nagsasalita dito tapos mumurahin mo lang ako?" Inis na sabi niya.

"Eh kasi naman parang last week ata? Or last last week? Galit ka pa sakin tapos ngayon aamin ka may nararamdaman ka sakin? Seryoso ano to gaguhan?" Inis na sabi ko.

"Sa lahat ng sinasabi ko sayo na isang lang totoo. Gusto kita bata pa lang tayo— mali hindi kita gusto kasi mahal kita. Sa lahat ng sasabihin ko sayo ang paniwalaan mo ay mahal kita hindi mo alam kung panong pigil ang ginagawa ko para lang sabihin sayo na mahal kita tangina!" Sabi niya. Habang nagsasalita siya nakatulala ako sakanya.

"P-Pano si isabella diba mahal mo siya?" Tanong ko. Muntik ko na malimutan na may girlfriend pala to.

"Hindi ko siya mahal. Pinapakisamahan ko lang siya dahil may usapan kami. Pero nakipag hiwalay na siya okay na." sabi pa niya. Kaya pala di na ako pinapansin ni isabella kala ko hindi niya lang ako nakikita eh.

"So gusto mo talaga ako?" Tanong ko. Tumango siya at ngumiti sakin.

"Yes aphrodite"

"Gago parang nanaginip ako!" Sabi ko kaya natawa siya.

"Te amo aphrodite wag mo kakalimutan yun kung dumating man ang araw na magkalayo tayo" sabi niya. Kaya tumango tango lang ako.

Omygosh yung crush ko mahal ako!!


PAVOTEEEEE THANK YOUUUU MWUAH!

Btw basahin niyo din story ni aki my Friend HSHSHS maganda ang story niya!

aki_eclair

UNWANTEDDär berättelser lever. Upptäck nu