CHAPTER 31

359 13 4
                                    

APHRODITE'S

Tumigil si ate sa pagtakbo at humarap sakin.

"Makinig ka kay ate. Gusto ko tumakbo ka papunta sa dulo ng gubat na to naalala mo ba ang daan? Basta tumakbo ka lang dire diretso ha. Wag ka lilingon—"

"Ate sabay tayo pupunta dun bat ako lang tatakbo?!" Inis na sabi ko. Minsan ko na nga lang siya makasama saglit pa.

Ngumiti siya sakin.

"Kailangan ko pigilan si papa para mahabol ka. Pagdating mo sa kalsada for sure nandun sina dale at dash pati si Hendrick madami naghihintay sayo kaya tumakbo ka na ako na bahala dito" umiiyak na sabi niya. Umiling iling ako.

"Hindi ate sama ka sakin wag ka na magpa iwan dyan ate please hindi kita mapapatawad pag bumalik ka dun sige!" Umiiyak na sabi ko. Natawa naman siya.

"Okay lang atlis na iligtas ko si baby aphrodite namin. Matutuwa si mama Hillary pag naligtas kita madami matutuwa pag naligtas ka. Hayaan mo na iligtas ka ni ate wala naman mag aantay sakin eh" sabi niya habang tuloy tuloy ang ang patak ng luha niya.

"APHRODITE! AMPHITRITE!" Rinig namin na sigaw ni papa na parang malapit na.

"Oh siya sige na tumakbo ka na! Wag mo ako aalahanin. Go! Alis na!" Sabi niya habang nakangiti sakin.

"Hihingi ako tulong. Hantayin mo sina dale at tito gabriel ililigtas ka nila!" Ngumiti at tumango lang siya.

"Hihintayin ko yan aphrodite" sabi niya

Tinulak na niya ako patakbo. Habang natakbo ako nililingon ko si ate Amphitrite kumakaway siya sakin.

Pikit mata akong tumakbo ng mabilis para matulungan namin si ate.

Pagdating ko sa may kalsada kita ko nga si dash nakatayo dun at parang hindi mapakali.

"DASH!!" sigaw ko kaya Napatingin siya sakin at tumakbo siya para yakapin ako.

"Fck! Nag alala kami sayo! Ano okay ka lang? Wala ba ibang ginawa sayo? Nandun si dale galit na galit handa patayin ang ama mo" sabi niya habang sinusuri ako. Tinidnan ko may tinetext din siya.

"Halika puntahan natin please ayaw ko makasakit siya tapos iligtas natin ate ko nandun ang ate ko!!" sabi ko tumango si dash kahit parang naguguluhan siya dahil may ate ko.

Pagdating namin dun papalapit pa lang kami ng may sumabog mula loob ng bahay.

"Dash si dale at ate! Baka nasa loob sila!" Sigaw ko kaya inutusan ni dash ang isa sa tauhan nila na hanapin si dale.

"Shit nandun si daddy" sabi niya kaya lalo ako kinabahan.

Nabawasan ang kaba ko ng makita ko si tito na bitbit si dale na madaming sugat. Wait madami sugat?!

"T-Tito ano nangyari sakanya?" Tanong ko habang tinitidnan ko mukha ni dale.

"Nakipag barilan ba naman mag isa sa papa mo kung hindi pa ako tinawagan ni dash baka kung ano nangyari dito." Sabi ni tito. Bigla gumalaw si dale kahit nanghihina.

"A-Aphro?" Mahina pero dinig ko agad ako lumapit.

"Nandito ako dale" sabi ko sakanya. Narinig ko na humikbi siya.

"S-Sorry ha patawarin mo ko. Hindi ko gusto saktan—"

"Shh. Sinabi na sakin ni ate Amphitrite siya ang nagplano at hindi ikaw ang naka buntis sakanya" umiiyak na sabi ko.

"Naging matapang ka ba habang hindi ka namin naliligtas?" Mahina na sabi niya.

"O-Oo. Please wag ka na magsalita mauubusan ka ng dugo" sabi ko habang hawak siya sa mukha. Ngumiti siya sakin.

"Proud ako sayo dahil naging matapang ka. I'm so proud of you aphro baby" sabi niya at nawalan ng malay.

"Dalhin ko na sa hospital si dale baka mamamatay to dahil maubos ang dugo" sabi ni tito kaya tumango kami ni dash.

"Tara na kailangan mo na din magpahinga" sabi ni dash

"Teka lang tito gabriel!" Tawag ko kay tito kaya napatigil siya.

"May nakita ka ba na babae sa loob? Yung ate ko nakita mo? Alam ko nasa loob siya eh! Nandun siya" sabi ko. Umiling si tito.

"Pasensya na aphrodite pero ang ama mo lang nakita namin." Sabi niya at pumasok sa loob ng kotse.

Sumabog ang bahay... Nandun ang ate ko. Nangako ako sakanya eh. Sabi ko hihingi ako tulong. Hindi ko naligtas ang ate ko.

Nag umpisa na akong umiyak.

"Ate!!" Sigaw ko at papasukin sana ang bahay kaso pinigilan ako ni dash.

"Aphrodite delikado pag pumasok ka masyado mataas ang apoy!" Pigil niya sakin.

"Aphrodite halika na" sabi naman ni Hendrick.

"Hendrick si ate nasa loob! Ang ate ko!" Umiiyak na sabi ko sakanya.

"Hindi natin siya maliligtas aphrodite kumalat na ang apoy sa buong bahay na yan" sabi ni Hendrick kaya lalo ako nanghina.

"Nagpaiwan siya para pigilan na mahabol kami ni papa. Ang ate ko" umiiyak na sabi ko bago nawalan ng malay.

HENDRICK'S

Dinala din namin si aphrodite sa hospital matapos siya mahimatay sabi ng doctor ayos lang siya kailangan lang ng pahinga dahil napagod ang katawan nito.

"May ate pala si aphrodite" sabi ni dash na nasa tabi ko. Galing siya sa kwarto ng kapatid niya dito naman siya tumambay ngayon.

"Oo yung ex ni dale si isabella siya ang ate ni aphrodite. Sinabi sakin ni dale yun bago pa mangyari to" nakita ko na natigilan si dash sa sinabi ko.

"A-Ano? Si.. Si Isabella ang ate ni aphrodite?" Gulat na tanong niya.

"Oo. Iris Amphitrite ang totoo na pangalan niya hindi isabella" nagulat ako ng bigla umalis si dash. Ganon ba siya kagulat at nag walk out?

PAVOTEEEEE THANK YOUUUU MWUAH!




UNWANTEDWhere stories live. Discover now