Teaser

1K 35 2
                                    

The Rabbit's Game

———-





Pumarada na ang sasakyan sa isang lumang gusali.

Bumaba na ang isang lalake at hinawakan ang pinto para makababa ang isang lalakeng nakasuot ng costume.

Naglakad na sila papasok sa loob ng gusali at nakasunod sa likuran nila ang ilang bantay na may hawak na baril.

"Sir Rabbit welcome welcome! Ito na ang mga order mo." Bati ng isang lalakeng nasa loob.

Nilapitan niya yung isang malaking kahoy na kahon at tinanggal ang takip nito.

Pinakita niya ang nga armas na nasa loob.

Lumapit yung lalakeng kasama nung Rabbit at tinignan ang mga laman nito.

"Okay. All the goods are okay."

Sumenyas ang Rabbit at lumapit doon sa lalake ang mga tauhan niya para iabot ang ilang bag ng pera.

Agad itong kinuha ng lalake at mga kasamahan niya at tinignan ang laman.

"Okay. Thank you sir Rabbit. All yours."

Lumapit ang ilan sa mga tauhan ni Rabbit para kunin yung malaking kahon.

Pagkahawak palang nung isang tauhan ni Rabbit ay nagsilabas na ang mga nakatagong kasamahan nung lalake.

Tinutukan silang lahat ng baril.

"Anong ibig sabihin nito!?!" Tanong ng tauhan ni Rabbit.

"Alam kong hindi ikaw ang totoong Rabbit."

"Binigay na namin ang pera."

"Oo. Oo alam kong may pera. Pero gusto kong malaman sino ba ang impostor nato!?!"

"Ano bang pinagsasabi mo!?"

"Tumahimik ka! Hindi ikaw si Adrian. Hindi ikaw ang kanang kamay ng Rabbit. Kaya sino ka!?!"

Naglakad palapit yung lalake sa Rabbit.

"Sino ka bang hayop ka!?!"

Lalapit sana sa Rabbit yung mga tauhan niya pero sumenyas siyang huwag.

Napapalibutan sila kaya dehado ang puwesto nila.

Tumawa ang Rabbit.

"Hoy anong nakakatawa!?!"

Hindi siya tumigil sa pagtawa kaya nagpaputok ng baril yung lalake. Sa taas niya ito itinutok.

"You wanna see who I am?"

Nagulat siya nang nagsalita ang Rabbit.

Tinanggal ni Rabbit ang kanyang mga guwantes.

Sunod niyang binuksan ang zipper sa likuran ng ulo ng Rabbit.

Dahan dahan niya itong tinanggal.

Nagulat ang lalake.

"Te..teka..ikaw ang..ikaw si.."

Lumapit ang Rabbit sa kanya.

Mabilis ang mga pangyayare at nagulat nalang yung lalake na hawak na ni Rabbit ang kamay niya.

Hinila ito ni Rabbit para maitutok niya ang baril niya sa baba niya. Hinawakan din niya yung isang kamay nung lalake.

Sinubukang kumawala nung lalake pero mas malakas si Rabbit sa kanya.

Ngumiti ang lalake sa likod ng costume.

Umulan ng bala mula sa itaas at isa isang bumagsak ang mga tauhan nung lalake.

Nanginginig na sa takot ang lalake.

Hinila nung Rabbit yung kamay nung lalake at kinalabit ang trigger.

Lumusot ang bala ng baril mula sa kanyang baba hanggang sa kanyang pisngi.

Bumagsak ang lalake at kinuha ni Rabbit ang baril.

"Mi..mister Pre..si..dent..."

Hirap man ay nagawa paring magsalita nung lalake.

"Ako nga."

Binaril ni Rabbit yung lalake sa puso.

"Ako nga ang bagong Rabbit."

The Rabbit's GameOù les histoires vivent. Découvrez maintenant