The Rabbit's Game - 1

1.1K 29 0
                                    


"Nababaliw ka na ba Martin!?!"

Napalakas ang boses ko kaya naman nagtinginan sa amin ang mga tao sa park.

Sinandal ni Martin ang ulo niya sa bench na inuupuan namin.

"I have no other choice. Kailangan kong gawin to. I need the money."

"For your campaign? Mayaman ang daddy mo."

"He won't help me. Ang sabi niya igapang ko ang sarili ko."

"Ito talaga ang naisip mo?!"

"Donna's right. Mabilis ang pasok ng pera. Tutulungan ako ng daddy niya."

"Magiging sindikato ka Martin. Use your head. Kapag nahuli ka masisira lang lalo ang pangalan mo."

"May plano kading pumasok sa politics. You know how hard this is."

"I know. It's just that...this is not right."

"Bahala na. Ito lang ang naiisip kong paraan."

"You're still young. 13 ka palang pare. Madami kapang magagwang iba. You can work."

"Kukulangin ako sa oras. Campaigns are not cheap. I need to build my name now."

Huminga ako ng malalim.

"Mukhang hindi ko na mababago ang isip mo. Ikaw ang bahala. Basta mag-iingat ka."

"Kapag nahuli ako tutulungan mo naman ako kapag presidente ka na diba?"

"Gago!"

Natawa kaming dalawa.

"I just need something to hide my face."

Napatingin kami sa paligid.

Nakita ko yung mascot na nagbibigay ng lobo.

"How about a Rabbit?"

"Rabbit?"

Tinuro ko kay Martin yung mascot.

Natawa siya.

"Puede na."

————————

20 years later..







Elyas Sauro Belmonte
          Pangulo

Yan ang pangalan sa name plate na nakapatong sa mesa.

May press conference ako ngayon.

"Mr. President ano papo ang mga nais niyong mangyari para sa bansa?" Tanong ng isang reporter.

"My focus is really in the healthcare. I am in the process of improving the healthcare services of our country."

"Is this the solution for poverty Mr. President?" Tanong ng isa pang reporter.

"Focusing in the health of our people would help poverty. How? Kapag ang bata malnourished madaling magkasakit. Hindi yan makakapag focus sa pag-aaral o sa kahit ano mang gawin niya. By providing good healthcare service mula sa gobyerno, matutulungan natin ang bata para malunasan ang kakulangan niya sa bitamina o ano man. It will give him strength to focus. A more positive view of the future. A better tomorrow. I hope you guys get my point."

"More than 3 years na kayong nakaupo Mr. President ngayon niyo lang naisip yan? Walang nangyayari?"

"We have budget constraints kaya inuunti unti natin ang reporma."

"Mr. President anong masasabi ninyo sa scandal tungkol kay Mayor Martin Motenor? Isa daw siyang malaking sindikato? Diba magkakilala kayo?"

"Yes I know Mayor Martin. He was a former school mate. Many people has testified na hindi ito totoo."

The Rabbit's GameWhere stories live. Discover now