The Rabbit's Game - 4

744 27 2
                                    


May mga pagkain at ilang mga goods samay labas ng gate.

Araw ng birthday ko kaya naman andaming tao.

Andaming nagbibigay ng regalo pero kailangan tong suriin ng mga guards bago maipasok dito sa bahay.

Ayoko ng engrandeng entrance kaya pinatanggal ko talaga yun sa event.

Puno na ng bisita ang bahay kaya naman lumabas na ako ng kwarto.

Bati dito bati doon.

Nang makita ko si Roger ay una kong tinanong kung dumating si Monjy pero umiling lang siya.

Tss.

Pumunta ako samay buffet table at chineck ang mga pagkain.

Kumuha ako ng baso at tinawag yung babaeng nag-iikot sa pagserve ng wine.

Napangiti na ako nang lumingon yung babae. Ganon din siya nang makita ako.

"Anong ginagawa mo dito? Ay teka artista ka nga pala kaya siguro imbitado ka dito."

"Ikaw anong ginagawa mo dito?"

Tanong ko habang nilalagyan niya ng wine ang baso ko.

"Eto rumaraket. Thank you nga pala ha."

"Para saan?"

"May mga taong dumating para ayusin ang lugar namin at ipacheck up sila lola at papa. Alam kong ikaw may gawa non."

"Pano kung yung Presidente pala yung tumulong sayo?"

"Ha!?! Pano naman mangyayari yun!?! Sure akong ikaw yun."

Natawa nalang ako.

"Diba galit ka sa president? Bakit ka pumayag dito sa raket na to?"

"Malay ko bang dito pala sa bahay ng Presidente gagawin to!?! Basta sabi ni Myla magwewaiter kami kaya pumayag ako."

"Okay. Usually may pa after party ang presidente para sa mga staff. May mga papremyo sumali ka."

"Bahala na."

"Ms. Wine dito please"

"Sige kailangan ko na magtrabaho."

"Wag mo sapakin yung Presidente pagnakita mo siya."

"Nako ihanda niya yung mukha niya."

Tumatawa ako habang pinapanood siyang lumayo.

Ano kayang magiging reaksyon mo pagnalaman mo?

Kumain muna ako ng konti bago bumalik sa pagentertain ng mga bisita.

May mga bata rin na nagperform.

May choir at may mga classical music na pinatugtog.

Andito sa bahay ang parents ko dahil pangit para sa publicity kung wala sila.

Nung birthday ko din last time ang ginawa nilang opportunity para kunin ang titulo ng bahay kaya this time pinabantayan ko ang kilos nila.

Maya maya ay lumapit sa akin si Jerlyn para sabihing kakantahan na ako.

"I'd like to call everyone's attention please." Sabi ng MC.

Naglakad na ako palapit samay stage at tumayo samay tabi ng napakalaking cake.

"Let us all sing and greet our President a happy happy birthday. Okay in 3, 2, 1"

Nagpatugtog na sila at kumanta ang lahat ng happy birthday.

Hinanap ko yung babae sa crowd pero hindi ko siya makita.

The Rabbit's GameWhere stories live. Discover now