The Rabbit's Game - 19

253 13 2
                                    


Si Jerlyn:

Walang tigil ang pagtunog ng mga telepono simula nang maglive si Mayor Joshua.

Kahit saang station din sa TV ay ito ang balita.

Naka flash news ito.

Nakalagay sa post niya ay "The President is the real Rabbit".

Nagkakagulo ang buong bansa dahil dito.

Ilang beses ko nang tinatawagan sila pres pero walang sumasagot.

Alam kong may ginagawa sila pres na hindi nila sinasabi sa akin pero hindi ko alam kung maniniwala ako dito.

Obsessed si pres sa paghuli sa Rabbit.

Yan ang lagi niyang sinasabi sa tuwing pumupunta siya sa PNP office o kausap niya ang head ng army.

Sa dami ng pinapakitang facts dito sa love na to ay kahit ako gusto ko nang paniwalaan.

Pero mabuting tao si pres.

Imposible lahat ng ito!!

Napatingin ulit ako sa cellphone ko.

Pati si Vice President Anton Hulgado ay tumatawag na sa akin.

Pres!!!!

Anong gagawin ko!?!?

———

Si Abbie:

Pagkabukas ng pinto ay agad niyang siniko sa mukha yung lalakeng pumasok.

Sinipa niya rin yung kasunod non.

Sa isang iglap ay napatumba niya ang anim na lalake.

Ang galing niya!!

Para akong nanonood ng action movie.

"Halika na!"

Sigaw niya sa akin.

Hindi ako kumilos.

"Sasama ka sa akin o papatayin ka nila!?!"

Hindi parin ako kumilos.

Lumapit siya sa akin at hinila ang kamay ko.

Lumabas na kami ng kwarto.

Agad na lumapit sa amin ang limang mga lalakeng naka kimono.

Yung isa iba yung suot niyang kimono.

Kulay itim ito na may design ng Rabbit.

Teka siya ba ang Rabbit!?!

"Madam nagsisimula na sila! Bilisan na natin."

Pero ang lambot ng boses niya!

"Tara na!"

Hila hila parin ako nung babae.

Tumatakbo kami.

Hindi ko alam pero hindi ako lumalaban sa kanya.

Paglabas namin ng isang pinto ay dito ko lang nakita na nasa barko pala kami.

Kaya siguro gumegewang ang pakiramdam ko.

Hila hila niya parin ako papunta samay helicopter.

Sumakay kaming tatlo doon.

Ako.

Yung babae at yung naka kimono na may Rabbit na logo.

Pinalibutan din ng ilang mga naka kimono yung helicopter.

"Dito muna tayo. Wag kang mag-alala poprotektahan ka namin."

Tumango lang ako don sa babae.

Maya maya ay lumapit yung isang nakakimono at may inabot na tablet.

The Rabbit's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon