The Rabbit's Game - 10

306 13 1
                                    


Si President:

Andito kami ni Harley ngayon sa bahay ni Nino.

Nakaupo sila sa bar counter.

Nakatayo naman ako sa likuran nila habang umiinom ng beer.

"Huy kanina kapa jan dika mapakali!" Nino

"Oo nga pres ano ba nangyari sayo!?!"

"Bakit may pa meeting de abanse ka dito sa bahay ko!?!"

Huminga ako ng malalim at ininom yung beer ko.

Pumunta ako sa gitna nila at nilapag yung bote ng beer sa counter.

"I kissed Abbie."

"Oh ngayon?" Nino

"Ano ka teenager!?!" Harley

"Uulitin ko I kissed Abbie."

"Oh kaya nga. Ano naman ngayon!?! First kiss mo?"

"She's too young. Puede ko na nga siya maging anak."

"Pare kumalma ka lang. How old is she?"
Sabi ni Harley sabay lagay ng kamay sa balikat ko.

"She's just 22."

"Hindi na siya menor de edad. Alam na niya ang ginagawa niya." Harley

"But I was the one who kissed her!"

Humarap sa akin si Nino.

"How did she respond?"

Huminga ako ng malalim at nagpamewang.

"Well...she kissed me back."

"Awwwwwww" sabay pa silang dalawa.

"O tapos?"

"When I pulled out we were both out of breath and we realized that my guards were watching. When we got back home we didn't look nor talk to each other."

"Ayan pagnatataranta ka dika nagtatagalog!" Natatawang sabi ni Harley.

"Bakit mo ba kasi hinalikan?"

"I..I don't know."

"You like her."

Napatingin ako kay Nino.

"She's just like a daughter to me."

"Age is just a number when it comes to love."

Pumalakpak si Harley sa sinabi ni Nino.

"Minsan lang magsabi ng matino tong si Nino kaya paniwalaan mo na pres."

Natawa ako at napahilamos ng mukha.

Ewan ko na.

Kumuha nalang ulit ako ng beer.

———-

I'm in my Rabbit costume tonight pero hindi dahil sa sindikato got talent.

May ibebenta akong mga armas.

I'm fully aware of assassins kaya naghanda ako sa lahat ng puwedeng mangyari.

Ayoko nang maulit yung nangyari last time sa theme park.

Naging mabilis lang ang palitan namin ngayong gabi.

Nakasakay na kami sa truck nang dumating ang apat na assassin sakay ang mga motor nila.

Hinabol pa nila kami habang bumabaril.

Kunaway pa ako sa kanila bago hilain gamit ng sasakyan ng mga tauhan ko ang chain na hinanda namin.

The Rabbit's GameWhere stories live. Discover now