The Rabbit's Game - 16

271 8 2
                                    


Si Abbie:

Maagang umalis si pres papunta sa Malacañang.

Pinagbaon ko siya ng sandwich bago siya umalis.

Sabay sabay din kaming nagbreakfast nila manang.

Pinipigilan nila akong gumawa ng gawaing bahay pero ginawa ko padin.

Ayokong magbago ang trato nila sa akin pero kahit yung ibang guards bigla akong tinutulungan kapag may gagawin ako.

After lunch ay pumunta sa bahay si sir Harley. May kasama siyang mga tao.

"This is Abbie and Abbie this is the glam team."

"Hi ms Abbie." Bati nila.

"Aaahh hello po. Ano pong meron?"

"Elyas has introduced you to the public. I need to do something."

"Ha??"

"Sa susunod na mga araw makakasama mo sila Abbie. Okay guys alam niyo na anong gagawin niyo sa kanya."

"Yes sir Harley. Kaming bahala."

Unang nagpakilala sa akin si Patrick pero siya daw si Patricia kapag gabi.

Tinuruan niya akong mag make up.

Tinuruan niya rin ako ng dress codes at kung paano mag mix and match ng mga styles.

Kailangan daw kasi lagi akong presentable sa mata ng publiko.

Siyempre lagi na daw akong bibitbitin ni pres sa kung saan mang events.

Sunod naman si ms Aika. Isa siyang model trainer.

Kailangan daw ayusin ang posture ko. Tinuturuan niya rin ako kung paano ba dapat kumilos at kung paano ba magsuot ng heels.

Sunod kong nakilala si Ms. Hannah. Public speaking naman ang tinuturo niya sa akin. Dapat alam ko daw kung kelan at hindi dapat sumagot sa media.

Naloloka ako!!

Isang linggo nila akong tinuruan.

Halos hindi na nga kami nagkausap ni pres dahil pagod na ako pagwui niya.

Dahil mga napagod ako ay gusto kong magpahinga kaya naman niyaya kong lumabas si Myla.

Nagkita kami sa mall.

As usual sumimangot na siya nang makita na kasama ko si Charlie.

"Bakit kasama nanaman to?"

"Bodyguard nga ako."

"If I know chismoso ka lang!"

"Wuuuh malapit na akong pumatol talaga sa babae."

"Tama na. Ayokong mastress ngayon. Please lang."

"Sorry na Abbie. Tara na nga. Lakas maka artista ng outfit mo ah."

Nakasumbreo at shades kasi ako.

"Kailangan daw eh."

"Di bale tara!!!"

Nanood kami ng sine tapos kumain sa isang pizza shop.

Ayaw ko pang umuwi kaya tumambay din kami sa isang coffee shop.

Lahat na lang pinag aawayan nung dalawa.

Pati flavore ng cheesecake!

"CR lang ako."

Sabi ko at tumayo na ako.

Pumunta na ako sa banyo at ginawa ang dapat gawin.

Naghugas na ako ng kamay at lumabas.

The Rabbit's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon