The Rabbit's Game - 12

293 15 4
                                    


Si Jarred:

Pinatawag ko sa opisina ko ang ABC ng tala. Sila Arvie Ben at Claire.

Katatapos lang nila sa isang successful na mission nila.

"Congratulations to the three of you. 300 million ang bounty niyo ngayon."

Naghiyawan sila.

"So anong balita sa Rabbit?"

"Sa totoo lang boss Jarred napakahirap kumuha ng info tungkol sa kanya." Claire

"Oo nga boss. Pero kapag nakita ulit namin siya sisiguraduhin naming makukuha namin ang bounty." Ben

"Magtetrain pa kami para mapatimba siya agad." Arvie

"I like your enthusiasm guys."

Tumayo ako mula sa upuan ko.

"I actually have something for you."

Kinuha ko yung maliit na envelope sa drawer ng mesa ko.

Kinuha nila ito at binuksan.

"May nagtip sa amin na may transaction ang Rabbit 3 days from now. I need you guys to prepare."

"Yes boss." Sabay sabay na sagot nila.

"Make this a successful one. Kung kailangan niyo ng back up kumuha na kayo ngayon."

"Yes boss."

"Kaming bahala dito." Arvie

Nagngitian yung tatlo at mukhang excited na sila.

Sana nga kayanin niyo.

Goodluck sa inyo.

—————-

Si Abbie:

May pa feeding program at medical mission si pres ngayon sa Tarlac.

Halos hindi kami nakatulog nila manang dahil tumulong kami sa pagprepare ng mga dadalhin.

Ayaw ngang matulog ni pres pero pinagalitan siya ni sir Harley dahil may mga pres bukas at kailangan niyang maging masigla buong araw.

4am palang ay umalis na kami sa bahay.

Madaming tao kaya naka convoy kami.

Si pres ay nasa isang sasakyan kasama sila Roger at Jerlyn.

Kami naman nila manang, Yanna, Miya at Samay nasa ibang sasakyan kasama si Mike na nagdadrive.

Si Charlie ang naiwan sa bahay para maging bantay.

Pagdating namin sa venue ay dagsa na ang mga tao.

Pagkababa palang ni pres ay andami nang gustong lumapit sa kanya.

Ngumiti siya at kumaway sa lahat.

Kasama namin si doc Nino na siyang head ng medical mission.

May kasama siyang ipang mga doktor.

Kami naman nila manang ang incharge sa pagpapakain.

May mga prinepare na kaming lutong pagkain pero may mga lulutuin parin kami on the spot para mainit pa kapag sinerve.

Nagluto kami ng sopas at pansit.

May mga lutong ulam din.

Para kaming may pa catering sa dami ng pagkain.

Nakasuot ng shades si pres pero minsan pakiramdam ko tumitingin siya sa akin.

Feel na feel ko eh noh!?!

The Rabbit's GameWhere stories live. Discover now