The Rabbit's Game - 24

311 12 4
                                    


Si Abbie:

Andito si ms Jerlyn sa bahay ngayon.

Ang sabi ko lang naman kay pres gustong kong maging presentable at karapat dapat na nasa tabi niya kapag pinakilala niya ako sa publiko.

Sinabi ko rin na gusto ko siyang tulungan at suportahan pero bakit pakiramdam ko inaaral ko lahat ng negosyong dapat kong saluhin!?!?

Nahihilo na ako sa dami ng sinasabi ni ms. Jerlyn.

Napatingin ako kay Myla na nakaupo sa tabi ko.

Nakikinig siya ng husto.

Mukhang naiintindihan niya ang lahat samantalang ako.

Haaayyyy

1pm na kami natapos dahil andami kong tanong.

Gutom na gutom na ako kaya naman bumaba na agad kami para kumain.

Hindi na sumabay sa amin kumain si ms Jerlyn dahil may meeting daw sila ni pres.

"Grabe Myla ang galing mo kanina."

"Siyempre noh kailangan kong maging magaling na secretary mo."

"Ha!?!!"

"Sabi ni ms Jerlyn importante ang trabaho namin. Dapat alam namin lahat lahat para kapag may kailangan kayo ay maibibigay namin agad."

Pinalo ko siya sa balikat.

"Wag mong dibdibin!"

"Gusto ko lang makabawi sayo."

"Ha? Para saan?"

"Abbie wala ako sa tabi mo nung kailangan mo ako."

"Kelan?"

"Nung nangyari yung hindi magandang bagay na yun sayo. Hindi ko alam na may pinagdadanan ka non na ganito kabigat. Dapat nangulit ako. Kaya babawi ako ngayon. Gusto ko andito ako para sayo."

Naiiyak ako sa sinabi ni Myla.

"Tanghaling tapat pinapaiyak mo ako!"

Niyakap ko siya.

"Basta andito lang ako lagi Abbie."

"Alam ko yun Myla. Ganon din ako sayo."

———

Si Charlie:

Ang paalam ko sa lahat sa bahay ay magbabakasyon ako ng isang linggo pero ang totoo ay nagbabantay ako sa bahay nila Abbie.

Kumuha ako ng apartment na medyo mataas at malapit sa kanila at dito muna umuuwi.

Hindi mapakali si pres nang sinabi kong may pagbibigyan si Miya ng address ni Abbie.

Sinabihan niya akong magdala ng guards pero tumanggi ako.

Nagset up ako ng sniper sa kwarto ko.

Nakaready ako any time na may pumunta sa bahay nila Abbie.

Ikaapat na araw ko na dito.

Napatingin ako sa orasan.

11am palang pero gutom na ako.

Tumakbo ako sa ref pero wala na pala akong mailuluto.

Kaya naman nagbihis ako at lumabas.

Saglit lang naman ako.

Paglabas ko ay biglang bumuhos ang ulan.

Tss.

Tumakbo agad ako sa krinderya at bumili ng ulam at kanin. Dinamihan ko na para hindi na ako lalabas mamaya.

The Rabbit's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon