The Rabbit's Game - 17

256 10 5
                                    


Si Sam:

"Ikaw na ang pumasok Miya!!" Yanna

"Ikaw na diba crush mo naman si pres!?" Miya

"Si Sam nalang dahil idea niya naman."

"Manang naman eh!!! Ikaw na ikaw ang pinakaclose kay pres."

Nagtutulakan kaming apat dahil gusto naming magsorry.

Kami kasi ang nagpakita kay Abbie nung video kaya nagkagulo kahapon.

Narinig ata kami ni pres dahil biglang bumukas yung pinto ng kwarto niya.

"What are you guys doing?"

"Uhmmm aaahhh pres."

Tinulak nila ako sa harap kaya ako na ang nagsalita.

"Gusto lang namin magsorry sa nangyari."

"Wala kayong kasalanan. These things woul've happened naman talaga."

"Pero pres.."

"Tama na. Let's all do our best today."

"Yes pres."

Dumiretso na si pres sa baba.

Pupunta kasi siya sa Malacañang.

Paguwi niya ng gabi ay hindi nagdinner si pres.

Nagtrabaho lang siya tapos natulog na.

Natiyempuhan ko si Mike na mag-isa samay garden.

Nilapitan ko siya.

"Uyy."

"Ikaw pala Sam."

"Kumusta si pres?"

"Sa totoo lang hindi ko alam. Parang walang nagyari. Basta ginawa niya ang trabaho niya kanina."

"Ang daming nakiki bandwagon kay pres. Ang daming lumalabas na issue."

"Oo nga eeh. Simasakit na nga daw ulo ni boss Harley."

"Nako naiimagine ko. Asan na kaya si Abbie?"

"Malamang umuwi yun sa kanila. Kanina pa iniisip ni Charlie kung susunduin niya na eh."

"Haaay sana maisip na ni Abbie na bumalik."

"Oo nga eh. Pero alam mo nagtataka talaga ako pano nalaman nung Joshua ang lahat. Kahit nga si Charlie hindi sinabi sakin ang bagay na yun."

"Hindi ko rin alam. Pero nakakagigil talaga yung Joshua na yun."

"Sinabi mo pa."

Nag-unat ng kamay si Mike sabay akbay sakin.

"Tara matulog na tayo."

"Ito talaga. Tara na nga."

——-

Si Jarred:

Kauupo ko lang sa upuan ko nang maramdaman kong nagvibrate yung lumang cellphone na nakdikit sa ilalim ng mesa ko.

Tinignan ko ang paligid bago ko kinuha yung cellphone at sinagot.

"The Rabbit's Game. Friday. 8pm. Batangas pier."

Yun lang yung sinabi nung robotic na boses sa linya.

Tss.

Malapit nanamang matapos tong kwentong to.

Sinira ko na yung cellphone at tinapon ito.

Pinatawag ko sa training room lahat ng assassin na walang mission.

The Rabbit's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon