The Rabbit's Game - 2

804 21 0
                                    


The Pub is where all the socialites go for parties. Why? Because everything that happens in the Pub stays in the Pub.

Alam kong madalas ang asawa ko dito kaya hinala kong dito sila nagkikita ng kalaguyo niya.

Sa totoo lang hindi ko alam kung anong puede kong gawin kapag nakita ko sila.

I don't wanna stand out kaya hindi ako sa VIP area nagpareserve.

Siyempre hindi ko pinasabi ang totoo kong pangalan.

I usually hide my identity by wearing hats, glasses and jackets kaso hinanapan ako ng ID bago papasukin.

Nagulat yung bouncer nang makita niya ang ID ko pero sumenyas akong wag siyang maingay.

Ginawa niya naman at pinayagan akong ipasok si Roger at tatlo pang bantay sa loob.

It was a Saturday night kaya sobrang dami ng tao sa loob.

Everyone's dancing, taking shots and smoking.

Pumuwesto ako sa itaas para makita ko ang buong bar.

Nag-order ako ng brandy at sumandal samay ledge. Sinuri ko ang buong bar.

Iinom na sana ako nang mahagip siya ng mga mata ko.

She is wildly dancing with someone.

My wife's hands are around him and so is his.

Gusto kong ihagis yung baso sa kanila pero piniglan ko.

I know that guy.

Pucha.

Kaklase ko yan dati at Mayor na ngayon.

Si Joshua Araneta.

Tss.

Inubos ko na yung brandy sa baso ko at umorder pa ng isa.

Kaaabot lang sakin ay ininom ko na agad.

Sumenyas ako at tinawag si Roger.

"Ipahanda mo na ang sasakyan."

"Yes sir."

Tinawag ko yung waiter at nag-abot ako ng 10,000.

"Sir sobra po.."

"Keep the change."

Naglakad na ako papunta sa hagdan para makababa.

Nagkekwentuhan yung mga kasalubong ko paakyat at nasagi nung isa yung suot kong sumbrero.

Pinulot niya agad ito pero napatigil siya nanag makaharap ako.

"Kkkyyyaaaahhh Mr. President!!!!"

Ang lakas ng sigaw ng babaeng to kaya napatingin sa amin ang mga tao.

Naglabas siya ng cellphone at hinila ako para magpicture.

May dumaan ding babae sa gitna namin.

Dumadagsa na ang mga tao kaya agad akong pinalibutan nila Roger.

Tinulungan narin ako ng mga bouncer ng bar para makalabas at makasakay sa sasakyan ko.

"What a night!"

"Sir papabantayan ko po ba ang social media para sa pictures niyo?"

"No need. The Pub will handle that."

Isinandal ko na ang ulo ko samay headrest.

Kinapa ko ang bulsa ko para kunin ang phone ko.

Kinapa ko lahat pero wala.

The Rabbit's GameWhere stories live. Discover now