The Rabbit's Game - 18

241 8 2
                                    


Si Jarred:

Nakadisguise kami ngayon bilang mga crew dito sa cruise.

Iba iba kami ng designation.

Ako ang isa sa mga crew manager at in charge sa reception.

Isa ako sa mga bumabati sa mga sumasakay.

Sanay kaming mga assassin sa iba't ibang mga gawain kaya mukha namang walang nakakahalata.

Unang sumakay ang mga tauhan ni Joshua.

Chineck nila ang buong ship bago sumakay ang boss nila.

Sumakay din kasunod niya si Lance Yamaguchi kasama naman ang mga tauhan niya.

Siya talaga ang Japanese version ng Rabbit eh!

"Welcome aboard mayor Joshua."

"Thank you! I hope everything's ready."

"Yes mayor."

Naglakad na siya palayo.

"Welcome aboard sir.."

Tumingin lang sakin si Lance at naglakad na palayo.

Malamang hindi naman sasagot yun.

Yung isang tauhan ni Lance ay may buhat na babaeng walang malay.

Konti lang ang dalang tauhan ni Lance pero kay Joshua grabe ang dami! Halos punuin niya yung cruise ship ng mga tauhan niya!

Maya maya pa ay dumating na ang ilang malalaking sindikato.

Halos lahat sila ay 60 million at pataas ang bounty.

Nag-antay pa ako pero wala parin ang may pinaka malaking bounty sa lahat.

Medyo nataranta kami nang iutos ni Joshua na paandarin na ang cruise.

May ilang oras pa dapat kami pero pinapaalis niya na.

Kinailangan tuloy naming kausapin at pakiusapan ang mga coast guard para makalayag na kami.

Pumaparty na sila pagkaandar namin.

Akala mo nasa bar lang sila.

Andaming nasa casino.

Pag mga bored nga naman sa pera!

Nilapitan ako ng isa kong kasamahan at binulong na papunta na ang helicopter.

Yun kasi ang senyales na kailangan na naming papuntahin lahat ng bisita sa grand hall ng cruise.

Ginawa na namin yun at pinapunta silang lahat sa isang lugar.

Pinakalma ko sila dahil excited na ang ilan sa mga assassin na kasama ko.

Sabi ko kailangan naming antayin na makarating ang Rabbit dahil hindi yun dadating kung magkakagulo na.

Buti at nakinig naman sila.

Nang nasa hall na ang lahat ay narinig na namin ang helicopter.

Pumunta kami nila Ben at Claire samay deck.

Nakita na naming lumapag ang helicopter.

Bumaba na ang may pinaka malaking bounty sa lahat.

Ang Rabbit!

800 million na ang bounty nya.

Nakita kong andon sila Charlie at Mike kaya sabi ko kina Ben ay sila na ang bahala.

Hindi pa nila ako puwedeng makita kaya umalis ako.

Sila na muna ang bahala.

Kailangan ko pang gawin ang isa ko pang trabaho.

The Rabbit's GameWhere stories live. Discover now