The Rabbit's Game - 14

257 9 4
                                    


Si Abbie:

Nakita ko nang dumating si pres pero hindi ko magawang lumapit sa kanya.

Pakiramdam ko nandidiri siya sa akon dahil nakita niya yung apat na lalakeng yon.

Pakiramdam ko nakita niya ang mga ginawa nila sa akin.

Hindi ko alam.

Nagkatinginan kami pero hindi siya lumapit.

Lumabas siya bigla.

"Uyy okay ka lang?" Tanong sakin ni Sam.

"Oo naman."

"LQ kayo ni pres?"

"Aaah hindi. Wala to."

"Hmmm okay. Basta kapag may kailangan ka o ano sabihan mo lang ako."

"Thank you Sam."

Hindi sumabay si pres na kumain. Nauna na siya sa kwarto niya at doon na lang nagpadala ng food.

After kumain ay nagsimula na ang kantahan sa videoke.

Nakaupo ako sa isang sulok at nagulat ako nang tumabi sakin si Charlie.

"Ayaw sabihin ni pres kung sino ang mga taong yun pero sa reaksyon niyong dalawa mukhang alam mo."

"Wag mo nang alamin."

"Nakikita kong magalit si pres pero iba yung galit niya kanina. Kung tigre siya malamang kinaian niya na yung nga yun eh. Baka pinaghiwa hiwalay niya na yung katawan."

"Talaga ba."

"Oo. Kapag mga mahal niya sa buhay ang nasasaktan iba siya magalit."

"Hindi ko alam paano ko haharapin si pres. Yung mga taong yun ang gumahasa sa akin noon."

Napatigil si Charlie sa pag-inom ng beer at napatingin sa akin.

"Tss kaya pala ganon ang galit ni pres. Kahit naman ata ako ganon ang gagawin ko sa kanila."

Uminom siya ng beer.

"Wag ka na magmukmok jan. Hindi mo ba naisip na mahal ka ni pres kaya niya ginawa yun?"

"Alam ko naman eh. Ang weird lang ng feeling."

"Malamang yan din nararamdaman niya. Natuwa ka ba sa ginawa niya?"

"Hindi ko alam."

"Ayan. Yan ang problema niyo. Hindi niyo alam anong nararamdaman niyo. Mag-usap kaya kayo?"

"Nasa kwarto na nga eeh."

"Odi puntahan mo."

"Ayoko!!"

Hindi ko alam kung lasing na itong si Charlie oh ano eh.

Bigla akong hinila!

Dinala niya ako sa tapat ng kwarto ni pres.

Kumatok siya tapos bigla niyang binuksan yung pinto at tinulak ako paloob.

Nagkagulatan pa kami ni pres.

Buti na lang rin at malapit siya sa pinto at nasalo niya ako. Palabas na pala kasi sana siya.

"Anong ginagawa mo?"

"Aaahhh wala. Si Charlie kasi.."

"Charlie?"

Inalalayan ako ni pres para makatayo ng maayos tapos pumunta siya sa may pinto sumilip pero wala na don si Charlie.

"Want to walk along the shore?"

"Aaahhh sige."

Lumabas nga kami ni pres at naglakad.

The Rabbit's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon