The Rabbit's Game - 3

753 25 3
                                    


Ang init.

Nasa impiyerno na ata ako.

Nararamdaman kong tumatagaktak ang pawis sa buong katawan ko.

Dahan dahan kong idinilat ang mga mata ko.

Wala pa ako sa wisyo kaya inabot ako ng ilang minuto para alalahanin lahat ng nangyari.

Napabangon ako pero naramdamn kong masakit ang tagiliran ko kaya hinawakan ko ito.

"Mabuti naman gising kana."

Napatingin ako sa babaeng nagsalita.

Napatingin din ako sa paligid.

"Ito ang bahay ko. Pasensya kana maliit lang. Butas butas pa ang bubong."

"Teka. Ikaw yung babaeng kumuha ng cellphone ko."

"Ako nga. Teka maghahain ako para makakain kana."

"Paano ako napunta dito? Isa pa.."

Napatingin ako sa katawan ko.

Wala akong pang itaas at nakabenda ang tagiliran ko.

"Namamasura kami ni tatay nang makita ka namin. Sinabi ko kay papa na ikaw yung nagbigay nung 10k. Dadalhin sana kita sa ospital pero sabi ni papa may tama ka ng baril kaya baka ipakulong ka o ano kapag doon ka namin dinala. Wag ka mag-alala dating nurse ang tatay ko kaya alam niyang gamutin yan. Sabi niya lumabas naman yung bala kaya ayos kana. Pero magpatingin ka parin."

Lumapit siya sa akin na may dalang plato ng pagkain.

"Yan lang ang pagkain namin. Pagtiyagaan mo na para lang lumakas ka. Pero kung hindi ka sanay sa ganyang pagkain bahala ka."

Natawa ako.

Kinuha ko yung platong inaabot niya.

"Sanay ako sa ganito. Lumaki akong mahirap."

"Talaga? Kumakain ka ng kanin na may toyo at mantika?"

"Oo naman. Kahit kape o asukal lang sa kanin ayos lang."

Hinalo ko na yung kanin na may toyo at mantika at nagkamay.

Gutom na gutom pala ako kaya ang bilis kong naubos.

Pinagtawanan ako nung babae.

"Bakit ka nga pala naka costume?"

"Wala yun. Props."

"Artista ka nga pala."

"Lalabahan ko sana kso sabi ni tatay wag kong isasampay sa labas. Hintayin nalang daw kitang gumising."

"Mukhang wais ang tatay mo."

"Aba oo! Madiskarte yun sa buhay."

After namin kumain ay tutulong sana ako sa paghuhugas ng pinagkainan pero pinigilan niya ako.

Kinapa ko yung cellphone ko sa bulsa.

Nakailang tawag na si Roger kaya mukhang ayos lang sila.

"Anong lugar to?"

"Diba may tracker yang cellphone mo? So malamang alam na nila kung asan ka."

Oo nga pala.

"Ano bang nangyari sayo?"

"Mahabang kwento."

"Odi ikwento mo."

"Wag na. Saka nalang."

"Hmph..para namang magkikita ulit tayo. Isa pa..."

Naptigil siya nang marinig na may natumba mula doon sa isang kwarto.

The Rabbit's GameWhere stories live. Discover now