The Rabbit's Game - 15

293 11 2
                                    


Si Abbie:

Nakaupo kami nila tatay at Myla samay labas ng bahay.

Bumili kami ng mga ihaw ihaw at alak.

"Bakit ba andito ka at naglalasing? Nag-away kayo ni pres?" Tanong ni Myla

Napatingin ako kay tatay tapos kay Myla.

"Bakit bawal bang umuwi dito?"

"Hindi naman hehe."

Uminom na kami ng beer.

"Aah malalim na ang gabi. Mauuna na akong matulog."

Tumayo na tatay at pumasok.

"Goodnight tito."

Pinalo ni Myla ang binti ko.

"Ano ngang nagyari?"

"Bumalik na yung asawa at anak ni pres."

"O tapos?"

"Anong o tapos?"

"Ikaw ang girlfriend diba?"

"Asawa niya yun."

"Correction. Ex wife niya!"

"Wala naman akong laban don."

"Haay nako Abbie. Anong bang sabi ni pres sayo?"

"Wala eh. Hindi pa kami nakakapag usap simula nung bumalik sila."

"Teka teka. So hinahayaan ka lang niya?"

Tumango ako.

"Kaya naman pala nagkakaganyan ka! Kasi siya mismo hindi ka pinaglalaban! Sila ba ulit nung ex misis niya?"

"Siguro. Sa iisang kwarto sila natutulog."

"Ako nanggigil jan kay pres ha! So ginawa ka lang niyang panakip butas. Yun ba yun?"

Nagkibit balikat ako.

"Nakakainis siya! Mga lalake talaga!"

"Maka mga lalake ka jan. Asan ba yung boyfriend mo?"

"Ayun nasa babae niya."

"Ha!?!! Bakit di mo sinabi sakin!?!"

"Kitang kita ko sa mukha mo na may pinagdadaanan ka."

"Baliw! Sana sinabi mo parin sakin. Okay ka lang?"

Biglang tumulo ang mga luha niya.

"Hindi. Hindi ako okay Abbie!!"

"Ako din eh."

Nagsimula naring tumulo ang mga luha ko.

Nagkatinginan kami at natawa sa mga sarili namin.

Umiiyak kami habang tumatawa.

Nagcheers kami at sabay na uminom ng beer.

Hindi ko na alam anong nagyari after.

Ang dami ata naming nainom.

———-

"Hindi niyo makukuha si Abbie!!!"

"Ponagsasabi mo!?! Sinusundo ko nga!"

"Sino ka ba!?! Bakit hindi si ano ang sumundo mismo sa kanya!?!"

"May meeting nga!! Ilang beses ko pa bang uulitin sayo??"

Nagising ako dahil sa mga nagsisigawan.

Paglabas ko ay nadatnan ko si Myla na hinaharang yung pinto.

Si Charlie naman nakatayo sa harap niya.

"Abbie pinapasundo ka na."

"Hep Abbie Nicolas jan ka lang! Hindi ka sasama hangga't hindi si ano ang sumusundo sayo diba!?!?"

The Rabbit's GameМесто, где живут истории. Откройте их для себя