The Rabbit's Game - 21

283 11 1
                                    


Si Abbie:

"Hindi ba yan yung jowa ni pres?"

"Diba narape yan ng tatlong lalake!?!"

"Baka hiwalay na sila kaya andito yan."

Pinagchichismisan ako ng mga tao sa jeep.

Tumanggi akong magpahatid kay Charlir dahil hindi pa magaling ang tama niya ng baril sa likod at gusto kong mapg-isa.

Tumingin na lang ako sa bintana.

Hindi ko sila pinansin.

"Baka pinagsawaan lang din yan ni pres."

"Baka loose na masyado kaya iniwan."

Nagtawanan yung dalawang babae pagkatapos nilang sabihin yan.

Napatingin ako sa kanila.

Dito ko lang napansin na may ilang kumukuha ng picture o video sa akin.

Medyo malayo pa yung babaan ko pero pinara ko na yung jeep at bumaba na lang ako.

Naglakad na lang ako pauwi sa amin.

Nasa may bungad palang ako ng kanto namin ay nakita na ako ni Myla.

Agad siyang tumakbo palapit sa akin.

Bigla niyang tinanggal yung suot niyang sumbrero at isinuot ito sa akin.

Hinila niya ako agad papunta sa bahay namin.

Ang daming tao sa bahay.

Magtatanong palang sana ko pero hinatak niya lang ako paloob at aga na sinarado ang pinto.

"Anong nangyayari?" Tanong ko.

Agad na lumapit sa akin si tatay at niyakap ako.

Pinaupo niya muna ako pagkatapos.

"Alama mo friend simula nang nalaman nila na kayo ni pres ay araw araw silang pumupunta dito para sabihin ang mga problema nila. Pati nga winning numbers sa lotto akala nila alam ni pres eh! Gusto nila na si tito daw magsabi sayo ng mga problema nila para makarating kay pres."

Huminga ako ng malalim.

Tinanggal ko yung sumbrero at pumunta ako samay pinto ng bahay.

Binuksan ko ito.

Sabay sabay na nagsalita ang mga tao pagkakita nila sa akin.

Wala akong naintindihan!

"Teka lang! Teka lang! Hindi ako ang presidente! Hindi ako!"

Napatigil sila.

"Pero ikaw ang jowa niya." Sabi nung isa.

"Pero hindi ako ang presidente! Hindi ang tatay ko! Hindi rin si Myla. Nakikiusap ako sa inyo wag niyo nang guluhin sila tatay."

"Porket jowa ka ng Presidente napaka yabang mo na!"

"Hampas lupa ka parin!"

"Disgrasyada!"

"Madamot!"

"Pinagsawaan ng mga lalake yan kaya ganyan!"

Nag-alisan na ang mga kapitbahay namin pero hindi nila pinalagpas ang masasakit na mga salita sa akin.

Pagagalitan sana sila ni Myla pero pinigilan ko siya.

Sinara ko na ang pinto ng bahay.

Napasandal ako.

Gusto kong umiyak pero pinigilan ko.

Bakas sa mukha ni tatay ang stress.

Ayokong dagdagan.

The Rabbit's GameWhere stories live. Discover now