The Rabbit's Game - 7

331 14 3
                                    


Naka Rabbit costume ako ngayon at nakaupo sa likod ng isang sirang truck.

Nasa isang lumang hangar kami.

Nakatayo sa kanan ko si Roger na suot ang joker mask niya. Si Charlie naman ang nasa kaliwa ko.

Nagtatago si Mike kaya hindi ko na muna babanggitin.

Isa nanamang gabi ng syndicates got talent. Tss. Si Adrian! Ito na tuloy ang naging tawag ko sa larong ito.

Ilang minuto pa ang lumipas at dumating na si Benjamin Santiago.

Isa siya sa mataas na pinuno ng PNP kaya naman sumaludo ako sa kanya pagdating niya.

Natawa siya sa ginawa ko.

"Kilala mo pala ako Rabbit."

"Yes. We all know who you are sir." Sagot ni Roger

Lumakas ang tawa niya.

"Of course of course!"

Sino nga ba ang mangangahas na bumangga sa mokong nato eh malakas ang kapit. Kaya naman nagagawa niya ang gusto niya.

Droga, human trafficking at kung anu-ano pang hindi makataong gawain.

Tignan mo nga lang to ng masama kinabukasan lumulutang kana sa kung saan mang ilog.

"So what are you offering to be the next Rabbit?" Tanong ni Roger.

Hinawi niya ang buhok niya palikod.

"Well alam niyo naman kung sino ako. With my position I can do everything that I want. Ano bang gusto niyo? Magagawa ko yan. The police won't touch you."

"What about the President? Won't he get in the way?"

Tumawa ng malakas ang loko.

"Yung pulpol na yun?! Nako wala namang magagawa yun. Palamuti lang yun sa Malacañang!"

Mas lumakas pa ang tawa ng lokong to.

Tumingin sa akin si Roger at tumango ako.

Tumalon ako pababa ng truck na kinauupuan ko at naglakad palapit sa kanya.

"The Rabbit wants to play a game with you sir Benjamin."

"A game!?! Seryoso ba kayo!?!"

Ilan ba nakatagong bantay nito?

Bente?

"Oo naman sir. Hide and seek for 3 minutes. May 10 seconds kayo para magtago. Ganon lang kasimple."

Huminto ako ng mga anim na hakbang mula sa kinatatayuan ng loko.

"Hide and seek!?! Ano kayo bata!?!"

"If you don't want to play makakaalis na kayo."

"Tss. Lakas din ng trip mo eh noh! Sige. Pagnanalo ako sa akin na ang titulong Rabbit?"

"Yes sir."

"Okay. Magtago kana Rabbit. Kahit ako na ang taya."

Tinaas ko ang kamay ko at sumenyas ng no. Naguluhan si Benjamin.

"Kami ang taya at kailangan magtago ng lahat ng tauhan mo na nakatayo sa likuran mo."

Tinignan niya ang mga tauhan niya at tumawa.

"Asus napakadami nila tapos tatlo lang kayong maghahanap in 3 minutes?"

"Apat kami. Okay ba sa inyo?"

Umikot ang mga mata niya sa paligid.

"Apat!?! Anyway kayo ang bahala. Malaki laki din ang building na ito. Madaming mapagtataguan. Well kung yan ang gusto niyo. Game."

The Rabbit's GameHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin