The Rabbit's Game - 25

361 9 0
                                    


Si Abbie:

"May mga bisita si pres dito. Yung Adrian at Eric."

Napatingin ako kay Miya.

Gusto kong magsalita pero may sinuksok siya sa bunganga ko at hawak niya ang mga kamay ko.

Kausap niya yung Joshua.

"Good. Asan sila?"

"Nasa taas. Sasamahan ko kayo."

Inutusan niya yung isang tauhan niya para siya ang humawak sakin.

Nakita kong may dumating na mga sasakyan.

Mukhang mga tauhan ni Joshua dahil hawak nila ang mga baril nila pagbaba.

Tinulak na ako nung lalake papasok sa loob.

Pagkapasok ko ay biglang nay humila sa akin.

Si Charlie pala.

Nabigla din ako nang bigla akong makarinig ng putok ng baril.

Tumuba yung lalakeng tumulak sa akin kanina.

Napasigaw si Miya.

Napatingin ako samay hagdanan.

Nakatayo don sila sir Adrian at si sir Eric na suot yung kimono at Rabbit mask niya.

Tuwing may nagtatangkang pumasok ay bumabaril si sir Adrian.

"YAMAGUCHI!!!! PANIRA KA TALAGA!!" Sigaw ni Joshua sa labas.

Nakita ko ding bumukas yung pinto ng kwarto at sumenyas ako kay papa na bumalik lang sa loob.

May nagsimula naring bumaril mula sa labas kaya agad na tumakbo si Adrian pababa ng hagdan.

Si sir Eric naman ay tinalon na yung hagdan at agad na tumakbo papunta sa kwarto nila papa.

Hinila din ako ni Charlie at tumakbo kami.

Napunta kami sa kusina at nagtago sa likod ng bar counter.

Dito ko lang nakita na may dalang baril si Charlie.

"Paano niyo nalaman na pupunta sila dito?" Tanong ko.

"Alam naming kasamahan nila si Miya at kanina pa daw siya hindi mapakali kaya naisip ni boss Eric na pupunta sila dito."

"Pero napakadami ng guards dito paano sila nakapasok?"

Ngumiti si Charlie.

"Pinaalis namin ang mga guards."

"Ha!?! Bakit niyo ginawa yun!?!"

"Magtiwala ka na lang. Yuko!!"

Nagsimula na kaming paulanan ng bala.

Kapagnakakatiyempo ay tumatayo si Charlie para bumaril.

"Si tatay. Kailangan kong mapuntahan sila tatay!"

"Wag ka mag-alala nakabantay sila boss Eric sa kanila. Just 5 more minutes."

Nagpapalitan parin sila ng putok ng baril.

Maganda ang timing ni Charlie at nagawa niyang barilin lahat ng bumabaril sa amin.

Nang clear na ay tumakbo ulit kami.

Pupunta sana kami sa kwarto nila Sam pero biglang may sumulpot kaya naman nagtago kami sa gilid ng ref.

Binabaril yung ref!

Sayang yung ref!!!

Nagawa ulit barilin ni Charlie yung kalaban.

Tinignan ni Charlie yung relo niya.

The Rabbit's GameWhere stories live. Discover now