The Rabbit's Game - 6

686 20 11
                                    



Suot ko ngayong gabi ang Rabbit costume.

Nagpalagay ako kay Roger ng upuan sa gitna ng stage at doon ako naupo.

Nasa isang lumang theatre kami kung saan ko imimeet ang unang sindikatong magpapakitang gilas ngayong gabi.

Sabi nga ni Adrian ay Syndicates Got Talent.

Unti unti nang ginigiba itong theatre na ito kaya naman basag basag na ang ilang parte ng bubong nito at kulang kulang narin ang upuan.

Ilang minuto pa ang lumipas ay dumating na si Calvin Mason.

Isang foreigner na nanirahan na sa Pilipinas.

High profile syndicate.

Number 1 source ng human trafficking.

Tsk.

Hawak niya halos lahat ng ilegal na shipment ng tao sa asia.

Pumuwesto na si Roger samay kanan ko habang sila Charlie at Mike naman ay nasa baba ng stage at nasa magkabilaan ko.

"Rabbit! I'm so sorry to keep you waiting. You know that traffic here in the Philippines is the worst."

"It's not a problem. Shall we start with the business?" Si Roger ang sumasagot para sa akin.

Matagal ko nang assistant si Roger at in sync kami lagi kaya alam na niya ang mga gusto kong sabihin niya.

Napatingin ako sa paligid.

Pinalibutan kami ng mga tauhan ni Calvin.

Ilan ba ang dala niyang tao?

30? 50?

Aakyat sana sa stage si Calvin pero pinigilan siya nila Mike at Charlie kaya umupo nalang siya sa isa sa mga upuan.

"Well then. I got excited upon hearing that you are looking for an heir. For the past weeks I've been strengthening my men and have expanded my business to Europe. I have shipments tomorrow. About 30 women from different provinces to be shipped in Europe. An exclusive contract for 50 million Euros."

Tumingin sa akin si Roger at umiling ako.

"That's not enough to impress the Rabbit."

"With the addition of 50 million Euros my net worth is about 800 million Euros. Still not enough?"

Nakangiti pa si Calvin pero unti unti nang nawawala.

"That's not enough."

"Well we are all not sure what your standards are or what the hell you're looking for. What do you want!? How can I persuade you to choose me as your heir!?"

Huminga ako ng malalim at tumayo sa kinatatayuan ko.

Si Roger parin ang nagsasalita.

"How about we play a game?"

"What game?"

"Tag."

"What do you mean tag!?!"

"Catch the Rabbit and the throne is yours."

Natawa si Calvin at napailing.

"You are one sick dude. Look at the situation you're in. You're cornered. This will be a piece of cake."

"Then you agree to play the game?"

Tanong ni Roger.

"Sure." Natatawang sagot ni Calvin.

Lumapit si Roger sa tabi ko.

"Then let's start in 3...2.....1!"

Namatay ang lahat ng ilaw.

The Rabbit's GameWhere stories live. Discover now