The Rabbit's Game - Final Chapter

389 12 0
                                    



Si Abbie:

Aligaga ang lahat ng tao ngayon.

Nasa hotel kami at maaga akong gumising at naligo.

Pinaupo na ako sa harap ng salamin.

Posing dito at posing doon.

Grabe ang hirap!

Ang daming camera ang nakapaligid sa akin.

After akong ayusan ay pinapasok na sila Myla.

Kasama ko naman silang nagposing.

Araw nga pala ng kasal ko ngayon.

Talagang nakaabang ang buong bansa!

Parang magic nga na pagkatapos ng nangyari kay pres ay nakuha niya ang simpatya ng karamihan sa mga tao kaya pati sakin tuloy bumait na sila.

Nitong mga nakaraang araw ko lang din nalaman na sa US pala kinasal sila pres dati kaya totoong divorced na sila at technically hindi siya kasal dito sa Pilipinas.

Apat na oras na ata akong todo posing tapos panay din ang retouch ng make up ko.

Sa wakas ay natapos din ang lahat ng yun at kailangan ko nang pumunta sa simbahan.

Si Myla ang maid of honor ko.

Mga bridesmaid naman sila Jerlyn, Yanna, Sam, Maya at Olive.

Wala naman kasi akong masyadong kaibigan kaya sila na lang ang kinuha ko.

Groomsmen naman sila Charlie, Mike, Roger, Adrian at sir Harley.

Si sir Eric ang bestman.

Si Monjy naman ang ring bearer namin.

Ayaw dapar ni pres na andon ang mga magulang niya pero hindi ako pumayag.

Kinwento niya naman sakin ang mga nangyari eh pero gusto ko lang na bindi niya pagsisihan ang mga bagay bagay.

Nakita ko nang nagsimula na ang entourage.

Maya maya pa ay bumaba na ako ng sasakyan at pumuwesto sa tapat ng pintuan ng simbahan.

Grabe yung kaba ko!

Pagbukas ng pinto ay pumasok na ako.

Si tatay at si lola ang maghahatid sa akin sa altar.

Iyak ng iyak si tatay kaya tuloy pati ako naiiyak na.

Nakita ko na si pres at nginitian niya ako.

Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad.

Unti unting nawala ang kaba ko habang papalapit ako sa kanya.

Nagmano siya kay tatay paglapit namin.

Ganon din ang ginawa ko sa mga magulang niya.

Pagkahawak ni pres sa kamay ko ay nawala na ng tuluyan ang kaba ko.

Humarap na kami kay father at nagsimula na ang misa.

Pakiramdam ko lumulutang ako.

Imbis na "I do father" ay nasabi ko ang "sige lang father."

Tawa ng tawa ang lahat ng tao sa simbahan lalo na si pres.

Nakakahiya!!!

Sa walas at dumating na kami sa dulo ng ceremony.

"You may now kiss your bride."

Humarap kami ni pres sa isa't isa.

Inangat na niya ang belo ko.

Hinalikan niya ako.

The Rabbit's GameOnde as histórias ganham vida. Descobre agora