The Rabbit's Game - 9

347 13 9
                                    


Si Mike:

"Ano bang kailangan niyo samin!?!" Paulit ulit na tanong ni Charlie pero walang sumasagot.

Tinali nila ang mga kamay namin at tinakpan ng itim na tela ang mga mukha namin.

Mga 30 minutes na kaming nagdadrive.

Saan ba kmi dadalhin nitong mga to!?!

Ayaw naming magsasakyan kanina dahil baka malaman nilang sasakyan ni Pres yun.

Dapat ata nagsasakyan nalang kami!

Sa wakas ay tumigil na yung sasakyan.

Pinababa na kami ni Charlie.

Ewan ko kung asan kami pero amoy rosas yung paligid.

Ramdam kong may baril na nakatutok sa ulo ko.

Maya maya pa ay pumasok kami kung saan man.

May sumipa sa likuran ng tuhod ko kaya napaluhod ako.

Mukhang ganon din ang ginawa kay Charlie.

"Well if it isn't the Rabbit and his friend."

Parang narinig ko na itong boses na ito pero hindi ko maalala.

"Tell me Rabbit. What do I need to do to be your heir."

"Tss. Sino kabang gag* ka!?!" Sagot ni Charlie

"Ito naman. Some old friend."

"Wala ako non!"

Tumawa yung nagsalita kanina.

"Ikaw. What's your role on this Rabbit thing?"

Ako ba?!?

Ako??

"Wala."

"Hmmmm.."

May humawak sa balikat ko at tinulak ako paharap.

Halos nakadikit na yung mukha ko sahig.

May nagtatanggal ng tali sa kamay ko.

Inantay ko kung anong gagawin nila pero wala.

Kaya naman tinanggal ko ang takip sa mukha ko at tumayo.

Tumingin ako sa paligid.

Teka.

Napatingin ako dun sa lalakeng nakangiti sa akin.

Teka...

Teka!!!!!

Nakatakip parin ang mukha ni Charlie at nakatali ang mga kamay.

Tumango sa akin yung lalake.

Umarte akong may humahampas sa akon kaya napapasigaw ako.

"Tama na!!!" Sigaw ko

"Oy anong ginagawa niyo kay Mike!?! Oy!!!"

Nagwawala na si Charlie.

Kakagalaw niya ay natanggal yung takip sa ulo niya.

"Anong gi...."

Natawa ako at yung lalakeng nakangiti sa amin.

Napatingin sakin si Charlie.

"Nalaman ko lang din nung tinanggal yung takip sa ulo ko."

May guard na nagtanggal ng tali sa mga kamay ni Charlie.

Tinulungan siyang tumayo nung lalake.

"Anong ginagawa mo dito? Akala ko nasa Japan ka?"

"I'm back. Since last week."

The Rabbit's GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon