Chapter 2

7.4K 246 138
                                    

"NAK NANG -"

He immediately parked his car on the side of the road. Malapit na siya sa gate ng subdivision pero sigurado siyang si Vel ang tinatabangan doon sa kanto. Mabilis niyang kinalas ang seatbelt. Talaga naman Maria Novela!

Dinampot niya ang cell phone sa dashboard at in-denial ang number ni Mang Hulyo, ang kakilala niyang tanod habang maghahanap ng panlaban sa passenger seat. Shit. Wala siyang mahanap kundi mga kalat lang niya. 

"Word?" finally may sumagot na rin sa kabilang linya. "Napatawag ka?"

Dammit! Wala talagang silbi ang box ng condom sa mga ganitong sitwasyon. Marahas niyang naisuklay ang kamay sa buhok at bumuga ng hangin.

Lumabas siya ng kotse.

"I need back up ASAP."



"ITO BA?" Huminto siya at nakapag-angat ng tingin. "Itong tomboy na 'to?" dagdag pa ng lider ng grupong humarang sa kanya sa daan. May mga dalang pampalo pa 'yong iba. Sa bilang niya mga anim na lalaki kasama 'yong lider na mukhang nililok ang mukha sa craters ng planetang Mars at fitness inspiration si Damulag.

Walangya, pinipig ice cream lang naman nilabas niya sa kalagitnaan ng gabi. Kapag minamalas ka nga naman oh. When it rains, it pours. Kanina pa siya imbyerna sa internet connection niya sa bahay na kasing bagal ng character development ng mga corrupt na politiko.

May 24 hours convenience store sa labas kaya iniwan na muna niya ang trabaho. Sinong mag-aakalang may nakapag schedule pala ng tambangan para sa kanya ngayong gabi. Anak nang –

"Siya pa 'yong bumugbog kay Lito, Boss."

Tinitigan lang niya ang mga lalaki habang inuubos ang isang stick ng pinipig na hawak. May isang plastic pa siyang hawak na puro rin ice cream. Hindi siya puwedeng masangkot sa rambulan ngayon at may tinatapos pa siyang trabaho. Kaya idadaan niya muna 'to sa diplomasya kung kakayanin nga o 'di kaya tatakbo siya.

"Hoy, tomboy!" 'Yong tinawag na Boss ang humakbang palapit sa kanya. She stood still in her place. "Ang lakas ng loob mong kumanti sa mga taga labas ah." Marahas nitong tinulak ang kaliwang balikat niya. She budged a bit. Ang lakas. Tang'na! "Sino ka ba sa inaakala mo? Kaliit-liit mong tao pero ang lakas ng loob mo."

Unang-una, hindi siya maliit. Malaking tao lang talaga ang walangya. Pangalawa, isang tulak pa at hindi lang tadyak ang ibibigay niya dahil sisiguraduhin pa niyang hindi na ito magkakaanak pa! She will smash those balls between his legs na parang kiat kiat lang ang laki kapag ginalit pa siya nito nang husto.

Hinayaan niya lang magtama ang mga mata nila. She looks at him with her lazy eyes. She can immediately sense his hurting ego that mirrored in his eyes. It made her smile smugly. Nagtagis ang mga panga nito. He surely felt insulted. Nice.

He grabbed her from the collar of her shirt. Napatingkayad siya nang bahagya. Nginitian lang niya ito lalo. Nanginginig ang kamao nito sa pagkakahawak sa harap ng damit niya. Lumalabas ang mga malalaking ugat na animo'y mapipigtas na ano mang oras.

Sige lang, magalit ka lang sa'kin, Barabas.

"Hindi ka ba lalaban, ha?!" singhal nito.

Tang'na ang laway ng gago. Ipanghihilamos niya talaga ang alcohol mamaya pag-uwi. Itinapon niya ang ice cream stick tutal ubos naman na 'yon para mahawakan ang kamay na nakahawak sa damit niya. Nanlaki ang mga mata nito sa higpit ng pagkakahawak niya roon. He was suddenly distracted kaya mabilis niyang naalis ang kamay nito at pinihit 'yon sa likod nito. Impit itong napasigaw sa sakit. Gamit ng isang kamay ay marahas niyang iniharap ang katawan nito sa mga bata nito.

"Tang ina mo!"

"Boss!" sabay na sigaw ng lima sa likod nito, kanya-kanyang angat ng mga panlaban sa kanya.

PERFECTLY UNMATCHED - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon