Chapter 5

6K 224 327
                                    

SHIT! Shit! Pakshit talaga!

Marahas siyang bumuga ng hangin. Gustong-gusto niyang kutusan ang sarili. What the fuck Maria Novela Martinez?  They literally fucked. Hinayaan niyang may mangyari sa kanila ni Santillan. Pero bukod sa sakit sa ulo ay wala na siyang naalala kagabi. Umuwi siyang mainit ang ulo at hindi pa siya nakatulog nang maayos.

Nahilamos niya ang kamay sa mukha. Hindi niya kasalanan. She was drunk. Word was horny and drunk. Sa tingin naman niya ay 'di siya nito pinilit. Malinaw pa naman sa kanya ang unang eksena bago niya tinapon lahat ng katinuan niya sa utak. Nagpahalik siya and god knows kung anong sunod na mga nangyari.

Ipinikit niya ang mata at sinubukang alalahanin lahat. Bumabalik lang sa isip niya ang marahas at malalim na paghalik nito sa kanya at walangyang pagtugon niya sa mga halik na 'yon. Lalo na nang simulan nilang hubaran ang isa't isa. Gusto niyang sapakin ang sarili.

"Tangina Novela!" Marahas siyang bumaling ng higa sa kaliwa niya at nagtalukbong kumot. "Kapag talaga... ay shet... ayoko na talaga mag-isip. Mababaliw ako sa mga iniisip ko."

Biglang may malakas na kumatok mula sa labas ng pinto. "Novela!"

"Walang tao!" inis na sagot niya.

"Hoy, Novela, alam kong gising ka. Lumabas ka riyan. Nasa baba si Word." Lumakas lang lalo ang katok nito sa pinto. "May kukunin raw siyang gamit sa'yo!"

Bumangon siya at marahas na inalis ang kumot mula sa ulo. "Wala akong ninakaw sa kanya! Gago ba siya?!" 

Ayaw niyang makita si Santillan. Kinamumuhian niya ang lalaking 'yon. Kasalanan nito ang lahat. At ang kapal ng mukha nito para puntahan pa siya rito. She's not just one of his flings na kayang mag-move-on within five seconds after sex. 

"Buksan mo nga 'tong pinto mo!"

"Bukas 'yan!"

"Hindi – " Tumigil ito sa pagkatok at narinig pa niya ang pagpihit nito ng knob. "Ay, oo nga." Malakas itong tumawa sa labas. Bumakas ang pinto at bahagya pa siyang nasilaw sa ilaw mula sa labas. "Sorry, bukas pala." Nakababa lahat ng makakapal na kurtina at 'di rin bukas ang lamp shade kaya literal na madilim ang kwarto niya. "Hoy, Novela!"

"Maaaa!" reklamo niya nang buksan nito ang lahat ng ilaw sa kwarto niya.

"Harapin mo nga 'yong si Word sa baba."

"Ano na naman ba kasing kailangan niya? Sabihin mo i-text na lang ako," nakabusangot niyang sabi. "Masama pakiramdam ko. Mas sasama kapag nakita ko pa siya."

Lumapit ito at naupo sa dulo ng kama niya. "Mag-isa ka lang umuwi kaninang umaga. Akala ko ba ay ihahatid ka ni Word? 'Yon ang sabi mo sa'kin kagabi."

"Nag-taxi ako. Hindi niya puwedeng iwan ang Tadhana."

"Akala ko pa naman ay nagkasundo na kayo. Aba'y milagrong hindi n'yo napatay ang sarili na kayong dalawa lang sa iisang lugar."

Nanuyo bigla ang lalamunan niya. Hindi niya matignan sa mata ang ina. Shuta talaga! Kapag nalaman nitong si Matilda na ibang away ang ginawa nila ni Santillan ay baka bukas na bukas may Maria Novela Martinez nang naglalakad sa simbahan na naka wedding gown. Shit! Nakakakilabot isipin.

"Matutulog pa ako... pagod ako."

"Pagod ka? Ano bang ginawa n'yo buong gabi?"

"Wala. Basta." Humiga na ulit siya at nagtalukbong ng kumot. "Sabihin mo sa kanya na rest in peace."

"Teka lang," tinapik-tapik nito ang binti niya, "gumising ka muna riyan. Saan mo ba itinago ang knapsack na dala mo kanina?"

Naibaba niya ang kumot hanggang dibdib. "Anong knapsack?"

PERFECTLY UNMATCHED - COMPLETEWhere stories live. Discover now