Chapter 21

6.1K 277 432
                                    

LAKAD dito, lakad doon lang ang ginawa ni Vel habang naghihintay kay Santillan sa kuwarto nito na bumalik. Lumabas ito kasama ng mga magulang at mga bisita nito. She planted her hands on her hips. Hindi siya mapakali. Napatingin siya sa saradong pinto. Naka lock naman 'yon pero nag-o-overthink siyang baka may pumasok at komprontahin siya kahit wala naman siyang dapat i-explain.

Tang'inis 'yan! Kung bakit kasi sa ganoon pa kami naabutan ng mga magulang ni Santillan. Ang pangit talaga ng meet the parents naming dalawa. Shuta 'yan! Ah hindi.

Mabilis na tinungo niya ang pinto at marahas na binuksan 'yon. Hindi siya maghihintay. Uuwi siya at bahala na si Santillan mag-explain.

Akala niya ay makakalabas siya nang tahimik dahil wala naman siyang naabutang tao sa hallway sa second floor at maingat din siyang bumaba ng hagdan kaso napatingin sa kanya ang matangkad at magandang babae sa kanya nang dumaan siya sa sala. Napatayo ito, namimilog ang mga mata at napatingin sa kabuoang ayos niya.

Suot niya ang itim na T-shirt ni Santillan na hiniram niya kagabi. Hindi niya mahanap ang T-shirt niya. Ewan at saan pinatuyo ni Santillan. Buti nahagilap pa niya ang mga panloob at jogging pants niya.

Huminto lang siya saglit para tumango sa babae.

Hindi niya kilala ang babae at ngayon lang din niya ito nakita. Kung ano mang koneksyon nito kay Santillan ay ewan kung ano. Mas importante sa kanya ang makalayas. Akmang aalis na siya nang lumabas sa kung saan si Nicholas.

"Vel!" tawag nito.

Napangiwi siya, hindi naman siya nakaharap dito kaya hindi nito nakita ang naging reaksyon niya. Tipid ang ngiti na ibinaling niya ang tingin sa direksyon ni Nicholas. Hindi magkatabi ang dalawa pero nasa likod ng mahabang sofa si Nicholas kung saan nakatayo pa rin ang babae.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Nicholas.

"Uuwi. Pakisabi na lang kay Santillan bahala na siya sa buhay niya. Bye."

Walang lingon-lingon na dumiretso na siya sa main door, hinanap ang sapatos niya kagabi sa shoe rack at lumabas na nang tuluyan ng bahay pagkatapos maisuot ang sapatos. Ang sakit sa balat ng sikat ng araw. Parang walang ulan na dumaan kagabi.

Pagpasok niya ng bahay ay agad na sumalubong sa kanya ang Mama niya. May hawak pa itong mangkok na may pansit bam-i. Mukhang kumakain ito sa kusina at sinadyang sumilip dala ang kinakain nang may marinig sa may sala.

"Oh, Vel, ikaw lang mag-isa?" Lumapit ito sa kanya at ito na mismo ang naglapat ng likod ng kamay nito sa noo niya. "Saan si Word?" Napatingin ito sa may pinto pagkatapos. "Hindi mo kasama? Maaga pa naman akong nagluto ng bam-i dahil birthday niya ngayon."

Vel's forehead creased. "Ma, alam mong birthday ni Santillan ngayon?"

Ibinalik nito ang tingin sa kanya. Wala siyang nakitang gulat na reaksyon sa mukha ng Mama niya. Halatang hindi na ito nagtaka na hindi niya alam.

"Magtataka ako kung alam mo," sarcastic pa nitong sagot sa kanya. "Kaya nga pinayagan kitang mag-overnight kina Word. Pam-birthday ko na sa kanya." Ngumisi pa ang Mama niya sa kanya at sumubo ulit ng bam-i gamit ng tinidor. "Masaya ba ang birthday salubong n'yo kagabi?"

Lalo lang kumunot ang noo niya. "Maaa!" inis na niyang tawag dito. She tried her best to conceal her blush. Walangya, talaga! Naalala na naman niya ang mga ginawang desisyon niya sa buhay. "Bahala ka na nga riyan." Tinalikuran na niya ito at nagsimulang umakyat sa itaas. "Kapag hinanap ako ni Santillan sabihin mo na-i-flush ko na ang sarili ko sa inidoro."

Ang lakas ng tawa ng Mama niya. Naririnig niya kahit nasa itaas na siya. Pagkapasok na pagkapasok niya sa kuwarto ay mabilis na isinarado niya ang pinto at naisandal ang likod sa matigas na katawan ng pinto. Napahawak siya sa kanyang mukha at parang batang ipinadyak-padyak ang mga paa sa sahig.

PERFECTLY UNMATCHED - COMPLETEWhere stories live. Discover now