Chapter 31

4.8K 227 86
                                    

PAGKATAPOS nila puntahan si Nicholas ay nagpahatid na lamang si Vel kay Spel sa TADHANA. May ibang lakad pa raw si Spel kaya nauna na rin ito. Naglalakad na siya sa direksyon ng entrance nang sagutin ni Santillan ang tawag niya.

"Mahal, saan ka?" tanong agad ni Vel kay Santillan. Bigla itong natawa sa kabilang linya. Kumunot naman ang noo niya. "Hoy, seryoso ako! Gago 'to."

"Kalmahan mo lang naman. Nilalasap ko pa 'yang pa mahal mo sa'kin."

"Shuta ka! Nasa labas ako ng TADHANA."

"Nasa labas din ako –"

Napatingin sa paligid si Vel. "Saan? Wala akong makitang demonyo –"

Ang lakas ng tawa nito lalo. "Nasa labas, mahal, pero malayo sa'yo."

Lalo lang kumunot ang noo niya rito. "Wala ka sa TADHANA?"

"Wala, I went out, pero pabalik naman na ako. Hindi ka naman kasi nagsabi na pupunta ka."

"Sabi mo sa café ka lang ngayon," may inis sa tuno ni Vel pero hindi niya sadya 'yon, na diretso lang niya, nasanay maging bastos at laging galit kay Santillan.

"Biglaan lang," he chuckled. "Ito naman, kasalanan ko na naman. Hayaan mo sa susunod, magpapaalam ako kung aalis ako."

"Hindi na. Buhay mo 'yan."

Naglakad na ulit siya sa direksyon ng entrance.

"Pero bakit na i-imagine ko ang panlalaki ng butas ng ilong mo ngayon?"

Hindi naman siya naiinis, heto nga at natawa na siya. "Gago! Hintayin na lang kita rito. Bilisan mo pero mag-ingat ka sa pagmamaneho mo."

"Okay, mahal, siguro magpapatakbo na lang ako ng 20 kilometer per hour."

Tawang-tawa si Vel habang binubuksan ang glass door. "Sige mag-24-hours ka sa daan, Santillan."

"At least safe."

"Pero matatanggal tainga mo sa bosena ng mga kasabay mo."

"Ayon lang."

Napansin na siya ni Tina kaya kumaway ito. Vel waved back. "Sige na, ibababa ko na. Hintayin na lang kita rito."

"Sure! Order all you want, sagot ko na. Love you."

"Love you, too."

End call.

Lumapit si Vel sa order counter. Iba ang kasama ni Tina, hindi si Bella, si Lilo, bagong working student staff ng TADHANA at nang wala nang inaasikasong customer si Lilo ay ngumiti ito sa kanya at bumati.

"Good afternoon po, Ma'am Vel."

Ngumiti siya sa dalaga, ang alam niya ay first year college pa ito sa kursong Graphic Arts. Masipag naman daw sabi ni Santillan at mabilis turuan.

"Good afternoon din sa'yo, pero huwag ka nang mag-ma'am, Vel na lang. Kulit mo rin e. Pang ilang beses mo na 'yan."

Natawa si Tina. "Ma'am Vel," dagdag na pang-aasar pa nito.

"Isa ka pa."

"Paano ba naman kasi, Vel, asawa ka nang may-ari, s'yempre igagalang ka namin dito."

"Isa lang may-ari ng TADHANA, 'yong demonyo n'yong boss."

"Speaking of boss, wala siya rito, umalis pero hindi nagsabi kung saan," sagot ni Tina. "Pero alam kung hihintayin mo naman ang asawa mo kaya," naglabas ito ng menu at inabot sa kanya, "kumain ka muna at i-cha-charge na lang namin sa owner ang lahat."

PERFECTLY UNMATCHED - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon