Chapter 19

5.2K 246 131
                                    

PAGBUKAS ni Vel sa malaking closet ni Santillan ay bumungad sa kanya ang maayos na nakahanger nitong mga damit. Nakasalansan naman ang mga nakatuping damit nito at mukhang organized lahat sa loob ng closet pati na rin ang mga drawer sa ibaba ay walang umuusling mga gamit o medyas. Aba'y binuksan na rin niya ang isa pang closet na katabi lang no'n at bumungad sa kanya ang iba't ibang brand ng sapatos at sandals ni Santillan.

Naikiling niya ang ulo sa kanan. In-compare niya sa isip ang closet niya sa bahay sa closet ni Santillan. Mas dinaanan pa ng bagyo ang kanya. Pansin niya talagang may pagka-OC 'tong si Santillan. Masyado itong particular sa detalye ng kulay at klase. Pansin naman sa ayos ng bahay nito at pananamit.

"Sana all," bulong niya sa kawalan.

Isinarado na niya ang shoe closet nito at binalikan ang mga damit nito. Naghanap siya ng T-shirt doon. Natatagalan lang siya dahil pati brand ng mga damit nito ay tinitignan niya. Walangya! May mga tag pa 'yong iba. Ang mamahal ng mga damit kahit pambahay lang. Branded talaga lahat. Pamilyar siya sa mga pangalan na 'yon. Shuta, sana all.

Kinuha niya ang itim na T-shirt na napili niya dahil maluwag 'yon at malamig ang tela. Simula nang mabuntis siya ay masyado na siyang maarte sa katawan. Dati eh wala naman siyang pakialam.

Ngayon, umaastang anak ni Henry Sy ang Novela. At saka makapal naman ang mukha ko. Sabi naman niya eh pumili ako. Oh, edi itong pinakamahal na T-shirt suotin ko.

Itim madalas ang suot niya sa gabi. Madaming pamahiin ang Mama niya na hindi niya mahindian. Tulad na nga na dapat itim ang suot niya kapag natutulog o 'di kaya may under shirt or leggings siya na itim na kayang takpan ang umbok ng tiyan niya. Ang paniniwala ng mga nakakatanda, panlaban daw 'yon sa mga Aswang o mga Tiktik na madalas nagiging dahilan ng miscarriage.

Naisip niya na napakaimposible namang magkaroon ng Aswang sa village nila. Nasa syudad din naman sila. Pero noong may marinig na siyang mga lagutok sa bubong nila na parang may kung sinong hayop doon na naglalakad ay nagsimula na rin siyang maging paranoid para sa baby niya. Pati buntot ng pagi ay nasa may bintana na niya sa gabi. Nilalagyan pa niya ng mga asin at calamansi ang bawat hamba.

Hindi naman siya superstitious na tao pero pagdating kay Baby Book ay nagiging paranoid talaga siya. 'Langya, kahit ano na lang para sa kaligtasan ng anak ko. Suntukin ko talaga 'yang aswang na 'yan kapag nakita ko.

Hindi na siya pumunta ng banyo. Pinahinaan naman na niya ang aircon kanina. Hinubad na niya ang basang T-shirt at nagpunas muna ng katawan gamit no'n bago isinuot ang T-shirt. Walangya ang lamig pa rin. Reklamo niya pagkatapos makapagbihis. Hindi naman basa ang jogging pants niyang suot kaya okay na 'yon. Hanggang sa hita niya ang T-shirt at maluwag din ang manggas sa may braso pero malamig ang tela.

Inamoy niya ang may bandang kwelyo. Napangiti siya. Nababangohan talaga siya sa mga gamit ni Santillan. Pati pawis ni Santillan ay naamoy niya pero para pa ring perfume sa ilong niya.

Natigilan siya.

"Tang na luya!" mura niya. "Nababaliw na talaga ako. Puro na ako Santillan." Binitawan niya ang kwelyo at isinarado na ang closet bago naglakad sa direksyon ng kama. Sumampa siya roon at naupo sa gitna. Napapaisip pa rin siya. "Hindi na talaga 'to maganda," kausap niya sa sarili. "Delikado ka na, Vel."

Nagulat siya nang marinig ang pagbukas ng pinto. Agad na naiangat niya ang mukha sa direksyon ng pinto.

"Ang lakas pa rin ng ulan sa labas," basag ni Santillan. Isinarado nito ang pinto sa likod.

Napaisip ulit siya.

Masama talaga ang dala ng ulan sa kanilang dalawa ni Santillan. Lagi sila nahahantong sa sa sitwasyon na ganito - sila lang dalawa sa iisang lugar. At laging siya ang nauunang puntahan ito.

PERFECTLY UNMATCHED - COMPLETEWhere stories live. Discover now