Chapter 13

5.7K 260 345
                                    

KINAGAT ni Vel ang labi ni Santillan.

"Sh*t!" mura nito, agad itong lumayo sa kanya, nakangiwi. Napahawak si Santillan sa ibabang labi. "God, Vel, it's bleeding." Hindi niya makita kung dumugo 'yon o hindi at wala na ring siyang pakialam. Deserve ni Santillan ang makagat.

"Gago ka ba?!" singhal niya rito. Binato pa niya ito ng mga tissue. Nanggigil siyang tunay. Gusto niyang itulak sa pinakamalapit na bangin si Santillan. "Bakit mo ako hinalikan, ha?!"

Sumilip sa pagkakataon na 'yon ang pilyong ngiti nito. "Gusto ko lang malaman ang reaksyon mo kapag hinalikan kita." He chuckled saka umayos ng upo. Ibinaba na nito ang kamay na nakahawak sa ibabang labi nito kanina. Hindi naman halatang dumudugo 'yon.  Nag-iinarte lang yata. "Kaso nangangagat ka pala."

She glared at him. "Subukan mo ulit na halikan ako at hindi ka na sisikatan ng araw," banta niya rito. "Hindi porke't pumayag na ako na bigyan ka ng chance ay magpapadala na ako riyan sa kalandian mo. Ire-remind lang ulit kita, Santillan. My yes, my rules. Kung gusto mo akong mapapayag na pakasalan ka ay matututo kang mag-adjust."

Santillan's lips pressed in a thin smile. Lalo lang kumunot ang noo niya rito. Para itong bata na pinagsasabihan pero alam niyang lumalagpas na naman sa kabilang tainga ang mga pangaral.

"Nagkakaintindihan ba tayo?"

"Oo na." Lumapad pa ang ngiti nito. "Sorry na. Hindi ko na uulitin. Hahalikan na lang kita kapag maganda ang mood mo –"

"Aba'y –" Akmang ibabato niya rito ang baso nang mabilis na mahawakan ni Santillan ang kamay niyang nakahawak sa baso.

"Oh, kalma." He chuckled. "Joke lang, 'to naman 'di na mabiro." Kinuha nito sa kanya ang baso at inilayo. "Mag-be-behave na po ako. Manliligaw po ako nang maayos." Itinaas pa nito ang kanang kamay.

"Umayos ka!" Inambahan pa niya ito ng kamao.

Tumawa lang si Santillan. "Sorry na nga. Gusto mo ng float?"

Kumunot ang noo niya. "Anong float?!"

Santillan chuckled. "Inalis ko ang mango kaya float na lang."

"Gago!"

"Hoy, request mo 'yon!"

"Alam ko," paasik niyang sagot, pigil ang tawa.

Walangya ka talaga, Santillan! Bakit kasi 'di mo na lang binuo?

"Kunin ko lang." Tumatawa pa ring tumayo ito at tinungo ang ref. "Mag-re-request ka tapos kakalimutan mo rin," habol pang sabi ni Santillan.

Pigil na pigil niya ang tawa. Ilang takip na ng bibig ang ginawa niya. Hutek 'yan! Hindi niya alam kung bakit tawang-tawa siya sa float ni Santillan. Vel, hindi ka ganyan. Hindi ka tumatawa sa mga hirit ni Santillan.  Bumaba na rin yata ang standards niya sa jokes. Dios ko, Maria Novela Martinez!

NAPANSIN ni Vel na panay ang tingin ni Santillan sa mga kasama nilang naghihintay sa waiting area sa labas ng OB-GYN clinic ni Dra. Lozano. May tao pa kasi sa loob.

"Pamilyar ba mga mukha?" bulong na niya kay Santillan. "Baka may naging ex ka sa mga riyan?"

Natawa si Santillan. "Meron nga e."

Pinaningkitan niya ito ng mga mata. "Sino?"

"Katabi ko nga lang e." He chuckled.

Napatingin pa siya kung sino ang katabi ni Santillan pero vacant ang upuan sa kanan nito at nasa kaliwa naman siya.

"Ako lang naman –"

"Ikaw nga."

Hinampas niya ito sa braso. "Umayos ka!" asik niya rito sa mababang boses. Siyempre, wala naman siyang balak na makatawag sila ng atensiyon. "At hindi tayo mag-ex." 

PERFECTLY UNMATCHED - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon