Chapter 25

5.8K 249 119
                                    

ISA lang masasabi ni Vel, stressed with ed. Intense stressed. Parang gusto na lang niyang magtago, but she was not the type of person who retreats from a war. Hanggat kaya niyang pundihin ang pasensiya ng kalaban niya ay gagawin niya. She didn't like most of Santillan's relatives. Dalawa lang yata ang neutral makisama, the rest puwede nang ipasok sa mga non-biodegradable garbage can sa sobrang plastic.

Literal na tumatambay talaga siya ngayon sa magarang banyo ng mga Santillan for peace of mind. Nawawala si Santillan, nababanyo siya kaya kahit tapos na siya ay inayos lang niya ang sarili at naupo ulit sa inidoro.

Hindi mapigilan ni Vel ang biglang mapangiwi nang maalala niya mga mukha ng mga relatives ni Santillan.

"Walangya," aniya sa mababang boses, makapal naman ang pinto ng banyo, hindi naman siguro siya maririnig kapag nag-sona siya rito.

The typical toxic trait of a Filipino family. 'Yong magaliw at ngumingiti sa harapan niya pero mapanghusga ang tingin at mapang-uyam ang ngiti kapag nakatalikod na siya. Mata lang ang pinapagalaw para mag-obserba. Alam niyang naging uncomfortable si Santillan kanina pero mukhang sanay na rin talaga itong makipagplastikan sa mga relatives nito.

Vel always believe that the hardest people to deal with are the old ones who are not open to change. Sila ang nabubuhay sa lumang tradisyon at paniniwala na para sa kanila hindi kayang baguhin ng kung sino man. These people will never accept a new wisdom dahil para sa kanila sila lagi ang tama. At kapag naman sinagot, magagalit at sasabihin ang tao na walang respeto at napunta lang sa wala ang pinag-aralan.

Lalo na doon kay Madam Victoria, asawa ng kapatid ng ama ni Santillan. Ang talas makatingin. Sa sobrang talas puwede nang gamiting pang-slice ng prutas sa fruit ninja.

Buti pa ang mga apo ng mga anak ng mga ito, mas madali pa kausap kaysa sa mga gurang. Nakaka-stress nga lang sa kulit pero at least hindi nakakasakit ng damdamin.

Na saan na ba kasi si Santillan? Buwesit na siya, ibubunton na niya ang inis niya rito.

Tumayo siya mula sa pagkakaupo niya sa inidoro at naghugas ulit ng kamay. Tinignan niya muna ang mukha sa salamin sa harapan niya pagkatapos patayin ang tubig. Inayos niya ang nagulong buhok. Wala namang pangit sa kanya. Sakatunayan, alam niyang may ganda rin siyang maipagmamayabang.

Vel smirked. "Kung tutuusin, suwerte na masyado sa'kin 'yang si Santillan."

Pinihit niya ang katawan sa pinto at hinawakan ang knob. Nabuksan na niya nang bahagya ang pinto pero nahinto siya nang makita si Madam Victoria at lagi rin nitong kausap na si Madam Helga, asawa naman ng kapatid na lalaki ni Tita Sarah. Nasa likod lang siya ng dalawa na nakatayo mga dalawang lakad mula sa puwesto niya. Mukhang hindi rin naman siya napansin ng dalawang ginang.

"Hindi na talaga nahiya ang batang 'yon," reklamo ni Madam Victoria. "Sakit na nga sa ulo ang pagiging palakero niya. Ngayon nagdagdag pa ng kahihiyan sa pamilya. Nako, Helga, alam mo 'yan, dati pa lang sinasabi ko na sa inyo na hindi igagalang ng batang 'yan ang pangalan ng pamilya natin."

Kumunot ang noo ni Vel. Sa isip niya, aba'y hindi pa pala tapos sa paninira si Madam Victoria kay Santillan.

"Pero may napala ka ba?" segunda naman ni Madam Helga. "Hindi rin naman nakikinig sa atin sina Oscar at Sarah." Bumuntonghininga ang ginang pagkatapos. "Ano na lang kaya ang magiging kinabukasan ng anak nila?"

"Ano pa ba? Edi, magagaya rin sa mga magulang." Kumibot-kibot ang labi ni Madam Victoria. "Hahanap na nga lang maayos-ayos na asawa ay hindi pa magawa. Nakabuntis pa ng lesbian."

Binuksan ni Vel nang tuluyan ang pinto. Halatang nagulat ang dalawa nang ibaling ang tingin sa kanya. Mas nahiya pa si Madam Helga. Pero wala talagang remorse si Madam Victoria. Hindi bale, sa isip niya. Ilalaban niya si Santillan.

PERFECTLY UNMATCHED - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon