Chapter 6

6.1K 243 656
                                    

NAUHAW siya nang makita ang resulta ng pregnancy test. Inabot niya ang milktea sa mesita na binili niya kanina bago umuwi.

Novela, kalma. Novela, kalma. Novelaaaaaa!

Pero paano siya kakalma kung dalawang red lines ang lumalabas sa limang magkakaibang PT na binili niya?! Naubos niya tuloy agad ang nangangalahati na niyang milktea sa sobrang kaba niya.

Hindi siya sisigaw. Hindi siya magdadabog. Kakalmahan niya lang ang sarili.

Dumiin ang mga kamay niya sa plastic na lalagyan ng milktea. Wala naman na 'yong laman kaya yuping-yupi 'yon sa mga kamay niya.

Tangina! Buntis talaga ako.

Marahas niyang itinapon ang hawak na lalagyan at hinagilap ang cell phone niya sa kama lang din niya. Hindi puwede. Baka may mali sa mga PT na nabili niya. In-search niya kung may ilang percent ang accuracy ng mga pregnancy test.

Nanlumo siya sa nabasa.

"99% accurate ang home pregnancy test kit. Pero mas accurate ang blood test. Tangina, 1% lang naman ang kulang. Saan ko hahanapin ang 1%? Sa divine intervention ng langit?"

Gusto niya maiyak at magwala pero siya lang din naman magliligpit nun pagkatapos so huwag na lang.

Tinignan niya muli ang mga positive PT niya sa kama. Malinaw na ang red lines. Hindi na talaga niya ma-i-scam ang sarili na hindi siya buntis. Walangya, anak pa talaga ni Santillan ang dinadala niya.

"Ahhhh!" iyak niya sa inis. Ibinagsak niya ang kalahati ng katawan sa kama. "Ang tanga-tanga mo talaga Novela. Karma mo na 'yan. May dalang sumpa yata 'yong babae ni Santillan. Hayan na buntis ka ngang tuluyaaaaaan!"

Wala namang tao sa bahay kaya walang makakarinig sa kanya. Pero ang malaking problema niya ngayon ay paano niya sasabihin sa mama at Tito Pear niyang buntis siya at si Word Santillan ang ama.

"Ayoko na... ayoko nang mag-isip... please lang, pwede bang sabihing pinili ako ng langit para magsilang ng batang sasagip ulit sa planet earth?"

Tangina, Vel! Baliw lang maniniwala sa'yo. Tapos paglabas ng bata kamukhang-kamukha ni Santillan. Ano nag-donate ng sperm si Santillan sa langit? O literal ka talagang dinala ni Santillan sa langit kaya may nabuo riyan sa tiyan mo?

"Dios ko, ang sama ko bang tao para ma karma nang ganito?"

Pero if iisipin ko, ang ganda at ang gwapo rin ng anak namin kung sakali. Hingan ko na lang ng pera si Santillan at maging isang astig na rich single mommy.

Tumitig siya sa kisame.

"Sige, gawin ko 'yang option B."

Pero gusto ko pa ring upakan ang sarili ko. Kinurot niya ang braso. Napangiwi lang siya at naiyak. Ang sakit! Putik! Huwag na lang pala. Hindi niya alam kung bakit pero napaka-emosyonal niya na. Nanggigil siya.

Mayamaya pa ay may narinig siyang tawag mula sa labas.

"Vel! Ohhhhh Vel! Novelaaaaaaaaaa!" pakantang tawag sa kanya na puwede nang bumasag ng mga poste ng kuryente. Kilala niya ang boses ng walangya. "Labis kitang mahaaaaaal. Hahaha!"

Bumangon siya at lumapit sa bintana. Hinawi niya ang kurtina at binuksan ang sliding window. Malapad ang ngiti na tiningala siya ni Spel, short for Gospel Grace Trinidad. Ang kaibigan niyang puro spg lang binabasa sa pocketbook. Banal na banal ang pangalan maliban sa may-ari.

"Novel!!!" Kumaway ito sa kanya. "Girl, buksan mo ang gate. Huwag kang tamad, please!"

"Sino ka?!" asar na tanong niya.

PERFECTLY UNMATCHED - COMPLETEWhere stories live. Discover now