Chapter 17

5.2K 263 163
                                    

"MA?"

Nakatalikod ang Mama niya nang maabutan niya sa sala. Pansin ni Vel na may hawak itong papel pero hindi niya makita masyado kung ano 'yon. Mabilis na isinilid nito sa brown envelope ang kung ano mang binabasa nito bago siya hinarap.

"Vel, anak," nakangiti nitong sagot sa kanya pero halatang pilit ang ngiting iyon. "Bakit? May kailangan ka ba?"

"Ano po 'yang hawak ninyo?"

"Ah. Ito ba? Pinadala ito ni Atty. Loren. Hindi ko pa lang nababanggit pero noong isang buwan lang pinaalam sa'kin na legally annulled na kami ng tatay mo." Nakangiti man ang Mama niya pero nakikita niya pa rin ang sakit sa mga mata nito. She knew how her mother loved her father kaya lang talagang ang tatay na niyang ungo ang bumitaw. "Pinadala na niya sa'kin ang copy."

Ngumiti siya. "Oh, 'di masaya! Hindi ka na Martinez. Dalaga ka na ulit." Lumapit siya at niyakap ito. "Sign na 'yan, Ma, na puwede ka na ulit lumandi." Dinagdagan pa niya ng tawa para mabuhayan naman ang Mama niya.

"Batang 'to!" Nakatawang pinalo siya nito sa braso. "Lalandi pa ba ako? Nako, magdadagdag na naman ako ng sakit sa ulo. Hindi na. Magpapakayaman na lamang ako at mag-aalaga ng apo ko."

Niyakap niya nang mas mahigpit pa ang Mama niya. "Tama 'yan, Ma. Halos apat na taon nating hinintay 'yan. Deserve na deserve mo 'yan! Dapat natin i-celebrate ang pagbabalik ni Matilda Benedicta Salazar." Hinalikan niya ito sa pisngi. "Congratulations, Ma."

"Salamat, anak."

"At dahil diyan, bibili ako ng cake." Kumalas siya sa pagkakayakap sa Mama niya. "Tamang-tama magkikita kami ni Santillan sa TADHANA ngayon."

Pinasadahan siya ng tingin ng ina. "Kaya pala bihis na bihis ka. Aba'y napapadalas punta mo roon ah. Akala ko ba si Santillan ang nanliligaw? Bakit ikaw na ang panay ang bisita?" panunukso pa nito na may kasamang pilyang ngiti. "Umamin ka na nga, Novela. Kayo na ba?"

Umasim ang mukha ni Vel. "Huh? Hindi pa –"

"Hindi pa, pero malapit na?"

"Imagination mo, Ma, kung saan-saan napupunta. Wala. Tropa-tropa lang kami ngayon. Huwag mo bigyang malisya. At least may world peace."

Natawa ang ina sa kanya. "Tropa ka riyan? Eh, noong isang gabi binigyan ka ngang mga bulaklak. Arte nito. Nakaayos ka pa."

Kumunot ang noo niya. "Anong nakaayos? Normal ko lang na mga damit 'to."

Maluwag na itim na T-shirt ang suot niya na may malaking mukha ng orange na malaki ang sama ng loob sa mundo. Itim para hindi halata ang umbok niyang tiyan. She folded the arm sleeves dahil masyadong maluwag sa braso. Mettalic gray jagger pants naman ang ibaba dahil nga ayaw siyang pagsuotin ng denim na may zipper at butones na pantalon ng Mama niya. Suot niya rin ang itim din niyang Converse sneakers. Hindi mawawala ang body bag niya.

"Maayos siya sa paningin ko dahil hindi ka naka jersey."

Natawa siya. "Kailan ba ako pumunta ng TADHANA na naka basketball jersey? Sa bahay lang ako nagso-shorts. Anyway, alis na ako."

"Huwag kang mag-motor."

"Hindi. Mag-ta-taxi ako. Magagalit na naman 'yong si Santillan kapag sinaway ko siya."

"Alam ba niyang pupunta ka?"

Tumango siya. "Oo, nag-text ako." Nagmano siya sa Mama niya. "Huwag ka na magluto. Paladesisyon ako kaya si Santillan na ang may sagot sa celebration natin mamaya." Ngumisi pa siya sa ina.

Natawa lamang ito sa kanya. "Pakasalan mo talaga 'yang si Santillan, Novela."

"Bahala siya sa buhay niya. Alis na ako."

PERFECTLY UNMATCHED - COMPLETEWhere stories live. Discover now