Chapter 33

5K 227 69
                                    

NAGISING si Word na may umiiyak sa tabi niya, ramdam niya ang mahigpit na paghawak ng kung sino sa kanyang kamay. Pagbaling niya ng tingin ay bumungad sa kanya ang umiiyak na si Vel. Lalo itong napahagulgol nang magtama ang mga mata nila.

"W-Word..."

"Shshs..." Word winced when he tried to move.

Mabilis na tumayo si Vel at inalalayan siya at mai-adjust ang headboard ng kama. Hindi niya maigalaw ang kaliwang braso dahil may sling iyon. "Huwag ka munang... gumalaw..." sabi nito sa kabila ng pag-iyak. "Tatawagin ko ang doctor –" Akmang lalayo ito nang hawakan niya ang kamay nito gamit ng libre niyang kamay.

"I-I'm fine."

"Pero –"

He reassuringly smiled at her. "Please," he gulped, ramdam niya ang panunuyo ng lalamunan, "...stay."

Parang batang tumango ito at muli na namang umiyak. "Akala ko talaga... akala ko talaga iiwan mo na ako..." hikbi nito. Mukhang kanina pa ito umiiyak dahil magang-maga na ang mga mata nito. Imbes na mag-alala sa sarili ay mas nag-aalala siya kay Vel.

"Stop crying," his voice hoarse and weak, "alam mong hindi iyan... makakabuti sa'yo at kay Book."

"Ang tagal mo kasing nagising e," may inis na tugon nito.

Thank God, I'm still alive. 

It was such a relief for him.

Tumingala siya sa puting kisame, sinusubukang alalahanin ang lahat. His memories are quite vogue, hindi niya alam kung dahil sa aksidente o sa mga gamot na itinurok sa kanya. Ramdam niya rin ang hapdi ng mga sugat niya sa katawan at sa ulo. Napahawak siya roon, may nakakapa siyang benda. 

"Ilang taon na ba ang lumipas?" biro pa niya sabay baling kay Vel.

"Gago!"

Magaan siyang tumawa at baka kumalas lahat ng organs niya.

"Kahapon ka pa walang malay," dagdag ni Vel. "You were lucky dahil scratches at 'yang braso mo lang ang napuruhan. Hinihintay lang namin na magising ka para magawa ang ibang test."

"Okay lang naman pala ako e, pero bakit iyak ka pa rin nang iyak?" malumanay niyang tanong.

"Buwesit ka! Masisisi mo ba ako? Alam mong overthinker ako. Paano kung hindi ka na magising? Paano kung may mga internal bleeding ka pala riyan tapos hindi napansin ng doctor –"

"Kakapanood mo 'yan ng K-drama," biro niya pa ulit.

"Word, hindi nakakatuwa," hindi maubos-ubos ang luha ni Vel.

He was not supposed to be happy about her crying over him, but he couldn't help it, kinikilig siya. Knowing Maria Novela Martinez, she will never cry over shallow things. Matigas pa sa bato ang Nobela niya.

Talaga naman, Word, kahit sa bingit ng kamatayan ay inuuna mo pa rin ang pag-ibig.

"I'm sorry." Inabot niya ang kanang pisngi ni Vel. "Huwag ka nang umiyak," alo niya rito. Sinubukan niyang punasan ang mga luha nito sa mukha gamit ng hinlalaki niya. "I'm alive.  Hindi basta-basta mamamatay ang masamang damo." He smiled, hoping it could make Vel better.

"Alam mo bang hindi ako basta-basta umiiyak?"

He gently nodded his head. "Alam ko."

"Pero nang ipaalam sa'min ni Nicholas ang nangyari sa'yo... biglang... hindi ko na alam ang gagawin ko... takot na takot ako... paano kung wala na kaming maabutan? Paano kung wala ka na? Paano na kami ni Book?" Napayuko ito at muling umiyak. "Nasanay na ako na nandiyan ka sa tabi ko... ta's... biglang..." Humagulgol na naman ito ng iyak.

PERFECTLY UNMATCHED - COMPLETEUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum