Chapter 27

6.1K 264 130
                                    

ALAS singko pa lang ng hapon ay nagising na ulit si Vel. May pasok siya ng alas otso ng gabi at tinatamad siyang magluto ng hapunan. Naubos niya ang iniwang pagkain ni Santillan kaninang tanghali. Hindi daw talaga siya nito magising kaninang umaga, 'yon ang isinulat nito sa iniwan nitong sticky note sa dining table kasama ng mga naka tupperware na mga pagkain.

Actually, dalawang course meal ang ginawa nito para sa kanya, breakfast and lunch. Ininit na lamang niya kanina para mainit kainin. As usual, his cooking did not disappoint. Kahit siguro hindi niya initin ay masarap pa rin ang mga pagkain na 'yon.

Maaga itong umalis kanina pa TADHANA at hinayaan na lang muna siyang matulog. Tumawag naman ito kaninang tanghali via video call para kamustahin siya at para itanong kung kumain na siya. Ending, sabay silang kumakain ng lunch habang naka on ang video call nila. Natulog ulit siya after an hour at nagising. Ngayon ay hindi na makatulog dahil nagugutom na naman siya.

Nilapagan ulit si Vel ng mangkok ng humba sa mesa ng kanyang ina. Ika-siyam na putahe na 'yon sa harapan niya. May bam-i na, top egg, chicken cordon bleu, at lumpiang shangai. Sobra ang mga 'yon sa in-order na mini cater package ng isang kliyente ng mama niya. Nakaayos ang mama niya at nakapanlakad na damit kaya alam niyang ihahatid pa lang nito at ni Tito Pear ang mga orders.

"Maaga bang uuwi ang asawa mo mamaya?" tanong ng mama niya.

Lumagpas na nga sa tainga niya ang pagtawag kay Santillan na asawa niya. Tinamad na siyang mag-react.

"Sabi niya, oo."

Magiging asawa ko rin naman din talaga ng lokong 'yon.

Nagsimula na siyang maglagay ng ulam sa plato niya. Natatakam na siyang kumain. Matakaw siyang buntis but she's toning down her cravings dahil ayaw niyang mahirapan sa panganganak kay Baby Book.

"Tirhan mo si Word ng ulam at ikaw na magdala sa bahay ninyo. Aalis kami ng Tito Pear mo para ihatid ang mga orders."

Tumango si Vel at sumubo na ng pagkain. Ngiting-ngiti pa siya habang ngumunguya. Napaangat naman siya ng tingin sa mukha ng mama niya. Titig na titig ito sa kanya at may tipid na ngiti sa mukha.

Nagtaka siya. "Bakit po Ma?" tanong niya.

"Wala." Mabilis na umiling ito. "Sige na, kumain ka lang diyan. Balikan ko na ang Tito Pear mo para makaalis na kami. Baka ma traffic pa kami sa daan."

"Ma, rush hour na ngayon."

"Ay sus! Malapit lang naman ang paghahatiran namin. Pero mamaya pa kami mauuwi at didiretso na kami sa paggo-grocery. Naubusan na kaming stocks. Ikaw ba, may ipagbibili ka ba? Sabihin mo na –"

"Huwag na, Ma. Napag-usapan namin ni Santillan na mag-go-grocery kami bukas."

"Wala ka bang pasok?"

"Meron pero sa gabi pa naman. Kere lang."

Bumakas ang pag-aalala sa mukha ng nanay niya. "Anak, hindi ka ba nahihirapan diyan sa schedule ng trabaho mo? Wala ka bang pang-umaga? Oh, 'di kaya mag-resign ka na lang muna. Tulungan mo na lang kami ng Tito Pear mo. Sasahuran kita –"

"Ma, kalma. Okay pa naman ako. Saka hindi lang naman ako ang nag-iisang buntis sa buong mundo na naka graveyard shift."

"Iniisip ko lang ang kalusugan mo."

"Alam ko pero trust me, I'm still fit to work. Ako mismo mag-re-resign kapag naramdaman ko na hindi na kaya ng katawan ko."

Hindi pa niya puwedeng sabihin ang plano niyang pag-resign sa Mama niya. Kay Santillan pa lang niya nababanggit. Wala na rin siyang planong banggitin kay Gospel Grace dahil mas madulas pa sa Cream Silk ang konsensiya ng bibig no'n. She has her plans, but she wants to do it in her own pace. Hindi rin naman siya pini-pressure ni Santillan.

PERFECTLY UNMATCHED - COMPLETEWhere stories live. Discover now