Chapter 28

5.5K 256 111
                                    

NAGISING si Word na hindi na unan ang kayakap, agad na nawala ang antok niya at namilog nang husto ang kanyang mga mata. Nakasiksik ng higa si Vel sa kanyang tabi sa sofa bed. In a different circumstance he will find this moment sweet pero akala yata nitong si Vel ay malambot ang sahig kung mahuhulog ito roon.

Stress, 'yan ang nararamdaman ni Word nang mga oras na 'yon.

"Ikaw talaga, Novela, wala sa oras ang pagpapakilig mo." Maingat na bumangon si Word mula sa sofa na hindi nagigising si Vel. Wala siyang choice kundi ang hakbangan si Vel, pero ginawa niya 'yon ng may sobrang pag-iingat. Inalalayan ng mga kamay niya ang mga braso ni Vel to steady her. "Buti na lang mahal kita."

Nanggigigil siya, umagang-umaga. Nangangati ang kamay niya na pisilin ang pisngi ni Vel pero nagpipigil lang siya at baka magising ito at diretsohin siya ng suntok sa mukha.

May kasabihan pa naman na magbiro ka na sa lasing huwag lang kay Vel na ginising.

Bigla siyang natawa sa naisip at napailing habang nakatingin sa mukha ni Vel na mahimbing pa ring natutulog sa sofa. How lucky was he? Imagine, waking up every day with her beside him for the rest of his life.

Nawala ang ngiti ni Word nang may marinig na scratch sound ng nasirang plaka sa isipan niya.

Tangina, lifetime, Word? Nag-propose ka na ba kay Vel? Kontra niya sa isip.

Mas lalo siyang nagising nang ma-realize 'yon. Pambihira 'yan, mas nakakagising pa 'yon ng reyalidad kaysa noong eksena kanina. Napakamot si Word sa noo.

Nag-unat siya ng mga kamay sa ere at naigala ang tingin sa paligid. Patay na ang mga ilaw sa buong silid, maliwanag lang nang bahagya dahil sa liwanag na sumisilip sa siwang ng mga kurtina. Maaga dapat siyang aalis ngayon pero tinamad siyang magsipag nang makita si Vel sa tabi niya. Parang gusto na lamang niyang yakapin buong araw si Vel.

Bumalik ang ngiti ni Word nang ibalik ang tingin kay Vel.

"Pagbigyan natin ang bugso ng damdamin," he chuckled.

Yumuko siya para makarga si Vel sa kanyang mga braso. He winced nang kamuntikan na niyang maisubsob ang sarili pabalik sa sofa. Yawa! Napamura tuloy siya sa kanyang isip. Nakahawak ang isang kamay niya sa back rest ng sofa, mabuti na lamang at hindi pa niya naiangat nang husto si Vel at baka madaganan pa niya ito.

Masama ang tingin niya kay Vel. "Ano bang kinakain mo nitong nakaraang araw, bato?" Nawala ang angas niya roon ah. Mabuti na lang at walang nakakita. "Bigat mo ngayon ah –" Napakurap siya nang umangat ang isang kamay nito para sampalin siya sa mukha. Bahagya lang itong umungol at tinalikuran siya.

Ramdam na ramdam ni Word ang sampal sa kanyang pisngi.

"Sabi ko nga, huwag ding biruin ang Vel na tulog."

Word, ang purpose mo yata sa mundong 'to ay maging punching bag ng isang Maria Novela Martinez. Although I wouldn't mind fighting back in another way.

Pilyo ang ngiti niya sa pagkakataon na 'yon.

Kinarga niyang muli si Vel at nagtagumpay naman siya. Normal lang na mas mabigat si Vel ngayon dahil kay Book. Hindi naman siya magrereklamo. Mahal niya ang mag-ina niya. He will exhaust his patience for them hanggat kaya niya.

Hindi maalis ang ngiti niya habang naglalakad papunta sa kuwarto nilang dalawa.

Mahal? A feeling he didn't know he was capable of giving again. It still amazes him how easy it was to accept his feelings for Vel. He didn't even hesitate to love her. Para bang matagal na niyang gustong mahalin si Vel. Gago lang ako.

PERFECTLY UNMATCHED - COMPLETEWhere stories live. Discover now