Chapter 35

7.1K 284 236
                                    

N/A: Hello, we have reached the last chapter of Perfectly Unmatched. Masaya ko itong tatapusin dahil sobrang pinasaya ako ng story nila. Light and heartwarming - my comfort zone. Thank you for supporting PU sana nabigyan ko rin kayo ng ligaya at napagaan ko man lang ang mga stress n'yo sa buhay. I will still be adding an epilogue but it will be only short, this week pa rin, hopefully. If you're wondering if may story ba ang GospelxNicholas natin? Yes, I have one story in mind for them. Abangan n'yo na lang. :D Again, marami pong salamat and feel free to express your thoughts on this story, I would really appreciate it. Your support and comments makes me happy. Love lots, WeirdyGurl.

PANAY himas na ng likod niya si Vel habang naglalakad sa direksyon ni Santillan

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

PANAY himas na ng likod niya si Vel habang naglalakad sa direksyon ni Santillan. She's almost eight months pregnant at ramdam na talaga niya ang bigat ng tiyan niya. Mabilis na siyang mapagod at palaging masakit ang likod. Hindi na niya magawa ang ibang mga gawain dahil namamanhid din minsan ang mga paa at binti niya, lumaki pa nga ang size ng mga paa niya. Although, sabi naman ng doctor ay normal 'yon.

Woa, daming pasakit. May dalawang buwan ka pa Vel bago mo iluwal si Libro.

Mabuti na lang talaga at mataas ang pain tolerance niya. Kung hindi ay baka hindi lang niya inaraw-araw ang pagmumura niya kay Santillan – every seconds na malamang.

"Hindi ka pa rin tapos diyan sa ginagawa mo?" she asked, nasa likuran na siya nito.

Kanina pa itong may isinusulat sa working desk nito sa kwarto nila. Nakaligo na siya at nakabihis ng pantulog pero hindi pa rin umaalis sa kinauupuan si Santillan.

Sinilip na niya ang ginagawa nito. "Ano ba 'yan?"

Nakangiting inangat ni Santillan ang mukha sa kanya. "Nothing," sagot nito. Wala na rin naman siyang nakita dahil nakasilid na sa white envelope ang sinusulat nito kanina.

"Liham para kanino?"

"Para sa totoo kong ina." Dahan-dahan siya nitong inalalayan para maupo siya sa kandungan nito. Mabuti na lang hindi swivel chair ang gamit nito, 'yong ottoman chair nila, kaya safe kahit dalawa pa sila roon. "A closure letter."

"So, hindi ka pa rin magpapakilala sa kanya?"

"Well, hindi pa... I don't know... it depends... and besides, it was her wish. May sarili na siyang pamilya and even if she deserves it, I will not ruin my mother in her family. The first five years of my life were bittersweet, but I was given a second chance to have my own family. Isang pamilya na mamahalin at aalagaan ako and I just want to be grateful for that."

Napangiti si Vel. "Maybe not yet the right time, pero at least the extra baggages in your life are no longer there. Okay na iyon, for now. Kung saan ka masaya, push mo na."

Natawa naman si Santillan. "I think the feeling is mutual. You finally learn to forgive yourself at hindi ka na rin masyadong bitter kapag pinag-uusapan ang tatay mo."

PERFECTLY UNMATCHED - COMPLETEWhere stories live. Discover now