Chapter 3

5.9K 244 239
                                    

AKMANG babalik siya sa itaas nang makita si Santillan sa ibaba ng hagdan. "Nakita na kita Vel." Umasim ang mukha niya nang marinig ang boses nito. "Bumaba ka rito at may pag-uusapan tayo."

"Harapin mo 'tong si Word, Novela," dagdag ng kanyang ina.

Marahas siyang bumuga ng hangin at hinarap ang dalawa. Nagpupunas ng baso ang ina sa kusina at walang kangiti-ngiti naman sa kanya si Santillan na nakaupo sa isa sa mga upuan sa dining table.

Dapat ba siyang ma konsensiya para rito? Deserve nito 'yon! At saka kailan ba siya tinubuan ng konsensiya pagdating kay Santillan? Siguro noong fetus pa ito.

"Novela sinabi sa'kin ni Word ang ginawa mo." May pagbabanta sa tingin ng ina. Kalmado pa ito ngayon pero kapag nagmatigas siya ay sesermonan na siya nito. "Akala ko ba magpapasalamat ka lang?"

Kumuha siya ng apple na nasa center basket ng dining table. "Mamatay ba 'yang si Santillan kapag nawalan ng babae?" Kinagatan niya ang apple at nginuya muna 'yon bago ulit nagsalita. "Maghahanap at maghahanap 'yan ng iba."

"Vel," nagpipigil ng gigil si Santillan, "hindi mo alam kung ilang araw ko niligawan si Sunshine. Sinagot ako nun noong isang araw pa. Pero dahil nga sinabi mong na buntis kita ay hindi lang niya ako hiniwalayan ay sinampal pa akong tatlong bes –"

Naibuga niya ang kinakain sa mukha ni Santillan sa biglang pagtawa niya. "Sorry." Dahil mabait naman siya ay inalis niya ang mismis ng masananas na dumikit sa pisngi nito. "Huwag kang mag-alala naghugas naman ako ng kamay kahapon."

Naningkit ang mga mata nito sa kanya. Nag-uumapoy na sa panggigil pa nga. Ngiting aso lang ang ibinigay niya rito. Yes, Santillan, mapuno ka sa'kin para makita ni Matilda ang tunay mong kulay!

"Novela!" sita ng nanay niya.

"Tita Mati sure ka bang anak mo 'to at 'di anak ni Satanas?"

"Anak ako ng Kapre pero sumakabilang puno na 'yon kaya huwag na nating ibalik tanaw."

Ngumisi pa siya rito, pang-asar lang.

Tumayo na si Santillan pero masama pa rin ang tingin sa kanya. "I'm watching you," anito, giving her an eye to and eye look with his index and middle finger. "Sa susunod na magbiro ka nang ganoon ay may kalalagyan ka sa'kin."

"Ma, pinagbabantaan ako ng favorite boy mo," parinig pa niya.

"Manahimik ka Novela."

Pangit ka bonding!

"Tita Mati, alis na ako. Pagsabihan n'yo anak n'yong may lihim na pagnanasa sa'kin."

Kinindatan pa siya ng loko bago tuluyang umalis.

Napamaang siya. She heard her mother chuckles behind her back. Tang'na ang kapal ng mukha ng hinayupak! Marahas niyang nilingon ang ina.

"Ma!!!"

"Alam mo, Novela, matagal na rin akong nagdududa sa'yo e."

Naitirik niya ang mga mata. "Yuck!" Bumabaliktad ang sikmura niya sa isipan na 'yon. "Tatalon na lang ako sa pinakamalapit na bangin kaysa ma-in-love sa isang 'yon!"

"Kung ako sa'yo, Vel, huwag kang magsalita ng tapos." Hindi pa rin nawala ang panunukso sa ngiti nito. "Baka mabusog ka lang."

She grunted. "Ah, ewan!" Mabibigat ang mga paa na tinalikuran na niya ang ina at nagmartsa sa direksyon ng hagdanan.

"Bagay naman kayo e!" pahabol pa ng ina.

"Tao ako! Demonyo siya!"

Hanggang sa taas ay rinig pa rin niya ang tawa ng ina. Pabagsak niya na lang isinarado ang pinto. Hanggat 'di talaga nawawala sa landas niya ang Santillan na 'yan ay hindi magkaka-world peace ang buhay niya.

PERFECTLY UNMATCHED - COMPLETEWhere stories live. Discover now