Prologue

14K 242 6
                                    

Prologue

"Totoo po ba talaga yung mga bali-balita nila?" kinakabahang tanong niya sa matandang babaeng kasalukuyang nagwawalis sa kanilang bakuran.

Huminto ito sa ginagawa nito at hinarap siya. Para namang nanuot sa kanyang kalamnan ang titig nito. Tila tumagos iyon sa kanyang kaluluwa.

"Saan mo nalaman ang tungkol d'yan?" mahinang tanong nito.

"Nagkibit balikat siya. "Narinig ko lang pong usap-usapan kanina sa palengke kanina nang isama ako ni Mommy," aniya at itinuon ang pansin sa kanyang harapan. "Nakakakilabot ang kwento nila."

Napasinghap siya ng biglang hinablot ng babae ang kanyang braso. "Wag na wag mong itatak sa iyon isipan ang lahat ng iyong narinig," anito. Napaigik siya ng humigpit ang paghawak nito sa kanya. "Mapanganip ang lugar na ito simula pa noong unang panahon."

Nanlaki ang kanyang mga mata kasabay ng pag-ihip ng malakas na hangin. Mas lalo pa siyang kinilabutan sa sumunod na mga salitang namutawi sa bibig ng matandang babae.

"Simula noong aking kabataan, kilala na ang bayang ito dahil sa mga kakila-kilabot na nagaganap," anito habang nakatingin sa kawalan na tila inaalala ang nakaraan. Kapagkuwa'y tumingin sa kanya. "Ang bayang ito ay kilala bilang bayang pinamumugaran ng mga aswang."

Aatakihin na yata siya sa puso dahil sa mga sinabi nito.

Oh, no!

Ang buong akala niya ay lulubayan na siya ng mga ganitong kwento dahil wala na dito ang kaibigang si Nadine na nananakot sa kanya sa pamamagitan ng pagkwekwento ng mga kababalaghan pero nagkamali siya.

Dahil sa oras na 'to, nanginginig na ang tuhod niya sa takot.

Patay kang bata ka.

Oo, baka nga mamamatay siya sa takot at nerbiyos nito.

~~

Hi! This is Rhian's story. I'll start this one once matapos ang kay Nadine. Sana suportahan niyo rin ito. ^_^

Love lots,

Nami

His Hidden Identity [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon