Kabanata 34

3.3K 99 1
                                    

Kabanata 34

Halos panawan ng ulirat si Seb sa sobrang kaba ng makitang humandusay si Rhian sa kanyang harapan.

Agad n'yang hinagilap ang mga damit na itinago n'ya sa halamanan. Matapos isuot ang mga iyon ay binuhat n'ya si Rhian papasok ng mansion.

Nanginginig at nanlalamig ang kanyang mga kamay habang ibinababa ang asawa sa kanilang kama.

Hindi n'ya alam ang dapat na gagawin gayong sigurado s'yang kamumuhian s'ya nito ngayong nakita na nito ang tunay n'yang anyo.

Nakaupo s'ya sa paanan ng kama habang pinagmamasdan ang natutulog na asawa. Kaba at takot ang naghahari ngayon sa kanyang dibdib.

Hindi n'ya inaasahang sa ganitong sitwasyon pa nito malalaman ang tunay na pagkatao n'ya.

Napasabunot s'ya sa kanyang buhok. Gusto n'yang sapakin ang sarili. Nagsinungaling s'ya at ngayon ay kailangan na n'yang harapin ang parusa ng kanyang pagsisinungaling.

Tumayo s'ya at pabalik-balik na naglalakad sa gitna ng silid nilang mag-asawa. Panaka-naka n'yang pinagmamasdan ang nakapikit na asawa.

Napailing-iling s'ya at napahugot ng malalim na hininga. Sobrang lakas ng tibok ng kanyang puso na para bang sasabog na ito mula sa kanyang dibdib. Hindi s'ya mapakali. Ayaw n'yang matulog. Ang gusto n'ya ay bantayan si Rhian hanggang sa magising ito pero natatakot naman s'ya sa magiging reaksyon nito kapag nakita s'ya.

Hindi rin n'ya natiis ang sarili at muling lumapit sa kama. Hinaplos n'ya ang mukha ng asawa. Naiiyak s'ya. Hindi n'ya kayang mawala sa kanya ang babaeng kanyang pinakamamahal.

Kinuha n'ya ang kamay nito at inilapat sa kanyang basang pisngi. Pagkatapos ay hinalikan iyon ng paulit-ulit. Tahimik s'yang humihikbi sa harap ng walang malay na asawa.

Mahal na mahal kita, Rhian Katherine Mendoza Blancaflor. 'Yan ang palagi mong tatandaan.

Suminghot s'ya kapagkuwa'y pinunasan ang kanyang mga luha. Naninikip ang kanyang dibdib sa sakit.

Dumukwang s'ya at inabot ng kanyang labi ang labi ni Rhian. Paulit-ulit n'ya itong hinalikan. Inilapit naman n'ya ang kanyang ilong sa buhok nito at sininghot iyon.

Masakit man para sa kanya ay tumayo s'ya. Mabigat ang kanyang mga paa habang tinutungo ang isang bahagi ng silid na iyon.

Matagal na n'ya itong pinag-iisipan. Ayaw n'yang dumating ang puntong ito dahil nakahanda naman s'ya sa kahit anong masasakit na salitang sasabihin sa kanya ni Rhian. Kakamuhian s'ya nito at itataboy. Ayaw n'yang mangyari iyon.

Kaya....

S'ya na lamang ang lalayo. Hindi lang para sa kaligtasan ni Rhian kundi pati na rin sa dinadala nito.

MABIGAT ang kanyang ulo ng magising. Pikit na pikit ang kanyang mga mata kahit na kailangan na n'yang bumangon.

Kinapa n'ya ang pwesto sa tabi n'ya. Napakunot ang kanyang noo ng mapagtantong wala s'yang katabi.

Ang alam n'ya ay Sabado ngayon at sa araw na iyon ay matagal magising si Seb dahil hindi naman ito pumapasok sa ganoong araw.

Bumangon s'ya ng kama at napahikab. Medyo masakit din ang ulo n'ya.

Hindi n'ya maalalang pumasok s'ya sa silid nilang mag-asawa upang matulog.

Anong oras kaya umuwi si Seb kagabi? At bakit ang aga naman yata nitong nagising?

Hilot-hilot n'ya ang kanyang sentido ng may makapang maliit na bukol. Nagpunta s'ya sa harapan ng malaking salamin upang tingnan iyon.

Nasa may gilid iyon ng kanyang ulo. Hindi n'ya naalalang nabagok ang kanyang ulo. Ang naalala n'ya lang kagabi ay naghanda s'ya ng hapunan para kay Seb ngunit hindi ito umuwi ng maaga.

His Hidden Identity [Completed]Where stories live. Discover now