Kabanata 36

3.5K 80 1
                                    

Kabanata 36

“Anong sabi ng doctor?”

Nakangiting inangat ni Rhian ang kanyang tingin sa kanyang amang sabik na malaman ang sagot n’ya.

Hinaplos n’ya ang tiyan n’yang tatlong buwan na. Hindi pa ito masyadong halata. “Maayos naman po ang bata, Dad. Sabi ng doctor ‘wag lang daw akong masyadong magpapagod.”

Nakita n’ya ang pagkislap ng mga mata nito. Agad s’ya nitong tinabihan sa sofa at kinabig s’ya payakap. Napapikit s’ya ng maramdaman ang halik na iginawad nito sa kanyang noo. “Mabuti naman kung ganoon, Yan. Excited na akong makita ang apo ko. Hindi ko akalaing mas mauuna akong magkakaapo sa’yo kaysa sa Kuya mo.”

Naalala  n’ya ang Kuya n’ya. Alam na nito na nagdadalang-tao s’ya. Dinalaw sila nito isang beses at alam n’ya namang masaya ang Kuya n’ya sa kaalamanag magiging tiyuhin na ito ngunit hindi pa rin maipagkakaila sa mukha nito ang kalungkutan. Walang itong naikwento tungkol sa nangyari sa pag-akyat nito ng bundok ngunit alam n’yang may nagbago dito ng magbalik ito. Nararamdaman n’ya iyon. Naiintindihan naman n’ya kung ayaw man nitong magsalita.

“Nasabi mo na ba kay Seb ang resulta ng check up mo?” Marahang tanong sa kanya ng kanyang ama.

Hindi s’ya mapakali. Lumikot ang kanyang mga mata. Hindi n’ya matingnan ng diretso ang kanyang ama. Nagsinungaling s’ya sa mga ito ng sabihin n’yang matagal-tagal mawawala si Seb dahil sa isang importanteng gagawin sa negosyo. Na kaya s’ya nagmukmok ay dahil pinag-awayan nila ang desisyon nitong iyon.

Noong una ay nagtampo din ang kanyang mga magulang ng malaman ang naging dahilan ng pagiging ganoon n’ya ngunit pilit n’yang ipinaintindi. Ginawa n’ya lamang alibi na manganganib ang mga negosyong pinaghirapan nito kung hindi nito iyon gagawin. Masakit para sa kanya ang gawin iyon sa mismong mga magulang n’ya pero kailangan n’yang gawin iyon. Kung walang alam ang mga ito ay mas mabuti.

Hindi n’ya alam kung nasaan si Seb pero nagpapasalamat s’ya dahil sinasabi naman sa kanya ni Connor na nasa mabuting kalagayan ito. Hindi pa n’ya lubusang natatanggap ang tunay nitong pagkatao at hindi rin naman n’ya minamadali ang sarili n’ya.

Mahal n’ya si Seb at alam n’yang darating ang araw na yayakapin n’ya rin ang tunay nitong pagkatao. Lalo na ngayong may magiging anak na sila.

At higit sa lahat, alam na n’ya ang tunay nitong dahilan kung bakit ito lumayo.

Iyon ay para protektahan silang mag-ina mula sa taong matagal na nitong hinahanap.

Ang tao mula sa nakaraan nito na s’yang nagpapawala ng kompyansa ni Seb sa sarili.

SA KANYANG paglalakad ay tanging ang mga tunog lang ng kanyang mga natatapakang tuyong dahon at ang huni ng mga ibon ang naririnig. Nililipad ng hangin ang ilang sanga ng mga puno sa paligid. Nagpatuloy s’ya sa paglalakad kahit pa sinasabi ng isang bahagi ng kanyang isip na maaaring mapahamak s’ya sa kanyang gagawin kung ipagpapatuloy n’ya ito.

Nang marating n’ya ang isang sapa ay umupo s’ya sa isang malaking bato upang magpahinga. Uminom s’ya mula sa tubig ng malinis na sapang iyon. Ilang oras din s’yang naglakad at tinamaan na s’ya ng pagod. Kailangan na muna n’yang magpahinga.

Sumisikat na ang araw at nagsisimula ng kumagat ang init sa kanyang balat. Pinagpapawisan na rin s’ya.

Matapos ang ilang minutong pagpapahinga, napagdesisyonan n’yang muling humayo sa kanyang patutunguhan. Kailangan n’yang makaabot doon bago pa s’ya mahuli.

Bitbit ang isang tuod na ginawang sungkod ay nagpatuloy s’ya. Inaayos na rin n’ya ang kung ano man ang laman ng kanyang dalang bag. Habol-habol n’ya ang kanyang hininga sa tuwing umaakyat ng ilang matirik na daan.

His Hidden Identity [Completed]Where stories live. Discover now