Kabanata 14

4K 103 1
                                    

Kabanata 14

Malawak ang kanyang pagkakangiti habang inaayos ang kanyang suot na damit.

Napabuntong hininga pa s'ya habang nakaharap sa malaking salamin sa kanyang silid.

Matapos ang ilang buwan n'yang paghihintay at pagiging tambay at buhay prinsesa ay magbabalik na s'ya sa trabaho ngayong araw.

Ngayon na kasi ang unang araw sa klase ng pangalawang semester at napakasaya n'ya. Nananabik na rin s'yang makilala ang kanyang mga magiging bagong estudyante.

Nang makontento s'ya sa kanyang ayos ay kinuha na n'ya ang kanyang shoulder bag na nakapatong sa kanyang study table.

Nicheck n'ya muna kung kumpleto na ba lahat ng kanyang gamit at muli n'yang binasa ang kanyang class schedule.

Alas nueve hanggang alas cuatro ng hapon ang klase n'ya ngayon. Nagpapasalamat nga s'ya at hindi masyadong hectic ang schedule n'ya.

Naalala n'ya tuloy si Seb. Ito kasi ang nag-ayos ng schedule. Ayon dito ay dapat s'yang binibigyan ng special treatment dahil 'medyo mabait' na daw s'ya sa binata. Well, hindi naman s'ya ganoon kabait talaga dito. May mga pagkakataon pa rin namang sinusungitan n'ya ito.

Natatawa na lamang s'ya sa mga pinagsasabi nito. Isa pa, ito naman ang masusunod dahil ito ang may-ari. Nagreklamo pa nga s'ya na dapat ay kalebel n'ya lang ang iba pang magtuturo ngunit hindi ito pumayag.

Magkaibigan naman daw kasi sila.

Hindi na s'ya tumutol pa sa sinabi nito.

Magmula kasi ng napag-usapan nila ang deal na iyon ay gumaan ang kanyang pakiramdam sa binata. Nakita n'ya kung gaano ito kabait sa mga nasasakupan nito pero ang hindi n'ya maintindihan ay ang lungkot at pangungulila na minsan ay dumadaan sa mga mata nito.

Nang minsan n'ya itong tanungin kung ano ang ibig sabihin ng ekspresyon nitong iyon ay pinilosopo lang s'ya nito kaya binalewala na lang n'ya.

Nagpahatid s'ya sa kanilang driver sa unibersidad. Alas otso y medya pa lang ng makarating s'ya doon.

Sinadya n'yang pumasok ng maaga para naman maayos pa n'ya ang kanyang bagong cubicle sa faculty room ng Psychology Department at para na rin maireview n'ya ang kanyang mga ituturo.

Hindi naman n'ya agad sisimulan ang magdiscuss ng lesson ngayon lalo na at unang araw pa naman. Ayaw naman n'yang masabihan na killjoy. Alam naman n'yang gusto pa ng mga estudyante na magrelax muna. Nadaanan na rin naman iyon noong nag-aaral pa lamang s'ya.

"Good morning." Bati n'ya sa mga kasamahang nasa kanya-kanya nang pwesto nang makapasok s'ya sa faculty room.

Nginitian naman s'ya ng mga ito at binati rin. Nang makaupo s'ya ay agad s'yang nagretouch.

"Ikaw pala 'yung bago. 'Yung kaibigan ni Mr. Blancaflor."

Napatigil s'ya sa paglalagay ng kolorete sa kanyang mukha ng marinig n'ya ang boses na iyon.

Ibinalikn'ya sa bag ang make up kit at binalingan ito.

Nginitian n'ya ang medyo may edad nang babae na nakasuot ng salamin. Maaliwalas ang mukha nito at mukhang mabait. Malawak rin ang ngiting iginawad nito sa kanya.

"Opo, ako nga po 'yun." Aniya at inilahad ang kamay. "Rhian Katherine Mendoza po. Rhian for short."

Tinanggap naman nito ang kanyang kamay at nagpakilala. "Rosario Benitez, hija."

"Upo po kayo." Ipinaghila n'ya ito ng upuan.

Nagpasalamat ito at muli s'yang tinignan ng makaupo na ito.

His Hidden Identity [Completed]Where stories live. Discover now