Kabanata 5

5.2K 117 3
                                    

Kabanata 5

"Anak, nakabihis ka na ba? Aalis na tayo." Tanong sa kanya ng kanyang ina nang kumatok ito sa kanyang kwarto.

Sinipat niya ang sarili sa salamin bago ito nakangiting binalingan.

"Ayos na po ako, Ma." Aniya bago kinuha ang kanyang kulay silver na sling bag.

Nakangiting pinasadahan siya ng tingin ng kanyang ina habang nakahawak ito sa magkabila niyang balikat.

"Naku, ang ganda talaga ng bunso ko. Manang-mana sa mga magulang." Tudyo pa nito na siyang ikinatawa nila.

Maya-maya pa ay sumilip na ang kanyang ama sa pintuan ng kanyang silid.

"Are you done?" Tanong nito.

Tumango naman siya bago nilingon ang kanyang ina at niyakag na itong lumakad na. Nakatanggap din siya ng papuri mula sa kanyang ama at sabay na silang pumanaog.

Nakasuot kasi siya ng isang kulay light brown na bestida na pinatungan niya rin ng kulay itim na cardigan na mas lalong nagpatingkad sa kanyang kaputian at pinaresan din niya iyon ng isang flat shoes.

Nakasuot na rin siya ng cycling shorts sa ilalim ng kanyang bestida at hindi naman ganoon karevealing ang suot niya kaya hindi na siya dapat pang mag-alala na makita ang cleavage niya.

Nakakainis mang isipin ngunit naalala niya ang sinabi sa kanya ng manyak na hambog na nakakrus niya ng landas ilang linggo na ang nakakaraan. Simula din ng araw na iyon, hindi na siya nagpunta pa sa bahaging iyon ng kanilang hacienda.

Baka kasi magkita na naman niya iyon sa kabilang bakod at manyakin o di kaya ay asarin na naman siya. Nakakabwisit lang talagang isipin ang pangyayaring iyon kaya nang tanungin siya ng kanyang ina kung bakit nakasambakol ang mukha niya nv araw na iyon ay pinili na lamang niyang magsinulang.

Mas nakakabwisit iyon dahil nagsinungaling siya pero ayaw naman niyang pati siya ay mapagalitan dahil sa pag-akyat niya sa bakod.

Nang makarating sila sa kotse ay dali-dali siyang pumasok doon. Excited na kasi siyang makapunta sa event na kanilang pupuntahan.

As usual ay katabi na naman niya ang kapatid na may madilim na aura. May sarili naman itong sasakyan ngunit mas gusto ng kanilang ama na magkasama silang pupunta doon.

"Reynaldo, Carmela, it's nice to see you here." Anang isang medyo may edad nang babaeng malapad na nakangiti sa kanyang mga magulang.

"It's nice too see you here, too Sandra. Where's your husband?" Bati ng kanyang ama at kinamayan ang ginang.

"He's with the other guests. I'm glad na nakapunta kayo dito sa photo exhibit ng anak ko." Anito bago ibinaling ang tingin sa kanilang magkapatid.

"Hmmm. Is this your children? Ang lalaki na nila. Gwapo at maganda pa." Papuri nito na ikinatawa ng kanilang mga magulang.

Napabuntong hininga na lamang siya ng tuluyan ng malunod sa chikahan ang kanyang ina at ama. Marami naman kasi itong mga kakilala na pumunta sa naturang photo exhibit.

Anak ng isang kaibigan ng kanyang ama ang may photo exhibit ngayon. Excited naman siyang makapunta sa ganoong event dahil first time niya.

Tatawagin na sana niya ang kapatid ngunit nakita niya itong may kausap na. Malamang ay tungkol na naman sa negosyo ang pinag-uusapan ng mga ito.

Ang weird lang rin kasing tingnan na panay ag pagngiti ng matandang kausap ng Kuya niya ngunit nakapoker face pa rin ang kapatid niya. Hindi na nga yata magbabago ito.

Dahil wala naman siyang kakilala sa lugar na iyon ay pinili na lamang niyang maglibot mag-isa. Maraming pictures ang nakasabit sa dingding. Malalaking portrait at nakakahanga naman talaga ang mga larawang naroroon.

His Hidden Identity [Completed]Where stories live. Discover now