Kabanata 17

3.7K 103 3
                                    

Kabanata 17

"May problema ka ba? Bakit kanina ka pa nakatulala d'yan?" Nagtatakang tanong sa kanya ni Seb bago sinubo ang carbonara na kinakain nito.

Umiling lang s'ya habang pinaiikot-ikot ang carbonara sa kanyang tinidor.

"Nagsisinungaling ka, ganda." Hinuha nito. "Ano nga problema mo? Para namang di mo 'ko bestfriend n'yan."

Napataas ang kanyang isang kilay ng marinig n'ya ang sinabi nito.

Binitiwan n'ya ang hawak na tinidor at humalukipkip sa harap nito.

"Sinong may sabing bestfriend kita? Si Indie at Nadine lang ang bestfriends ko."

Nabilaukan naman ang binata kaya dali-dali nitong kinuha ang isang baso ng orange juice at ininom iyon.

Nakakunot lang ang kanyang noo habang pinagmamasdan ito. Nanlalaki pa ang mga mata nito habang nakatingin sa kanya.

Nang mahimasmasan ito ay hinimas-himas pa nito ang dibdib.

"Nakakasakit ka ng damdamin, ah. Ngayon na nga lang ulit tayo lumabas tapos ang harsh mo pa sa 'kin." Tila nagtatampong sumbat pa nito.

She just rolled her eyeballs.

"Totoo naman kasi ang sinasabi ko."

"Edi, guy bestfriend mo 'ko." Anito. Magsasalita pa sana s'ya ng itinaas nito ang kanang kamay nito. "Hep! 'Wag ka na magreact."

"Fine." Labas sa ilong na sabi n'ya.

Nagyaya kasi itong kumain sa labas dahil gusto nitong makapagrelax kahit saglit. Sobrang busy kasi nito sa mga negosyo nito.

Hindi naman s'ya abala kaya pinaunlakan na n'ya ang paanyaya ng binata. Alam naman n'yang kukulitin lang s'ya nito ng paulit-ulit kung sakaling hindi s'ya pumayag.

Hindi n'ya maintindihan kung bakit parang kinurot ang puso n'ya ng sinabi nito na guy bestfriend n'ya ito. Siguro nga ay iyon ang tingin nito sa kanya.

Nagpakawala na lamang s'ya ng malalim na hininga habang nilalaro ang pagkain na nasa plato n'ya.

"May problema ka nga." Biglang sabi nito.

Muli s'yang napatingin dito.

"Bakit mo naman nasabi 'yan?"

Nagkibit-balikat ito. "Hindi mo kasi kinakain 'yang nasa harap mo. Ang takaw mo pa man din."

Tinignan n'ya ito ng masama ng tumawa ito. Talagang ipinangalandakan pa nito na malakas s'yang kumain.

"As if ikaw hindi." Pairap na sabi n'ya.

"Hindi ko naman tinatanggi." Natatawang sabi pa nito. "Ano ba kasi 'yang bumabagabag sa isip mo?"

Ikaw.

Gustong sabihin ni Rhian ngunit pinigilan n'ya ang kanyang sarili. Hindi iyon dapat. Baka kung ano pa ang maging reaksyon ng binata. Naiinis na s'ya sa sarili n'ya dahil napakalabo n'ya.

Pinili na lamang n'yang iwasan iyon. Baka kung ano pa ang masabi n'ya na maaari n'yang pagsisihan sa huli.

"Panget..." Tawag n'ya dito.

"Hmmm?" Anito habang ngumunguya.

Humugot s'ya ng hininga.

"N-Naniniwala ka ba sa...aswang?" Nag-aalangang tanong n'ya.

Bigla na lamang inihit ng ubo ang binata dahilan upang mataranta s'ya. Inabot n'ya dito ang isang baso ng tubig at nilapitan ito upang hagurin ang likod.

His Hidden Identity [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon