Kabanata 16

3.8K 108 1
                                    

Kabanata 16

Nahahapong napasalampak s'ya sa sofa ng kanilang living room. Pinaypayan n'ya rin ang kanyang mukha gamit ang kanyang dalang panyo.

Pawis na pawis s'ya. Ang init naman kasi. Siksikan sa jeep na nasakyan n'ya kanina. Kakauwi n'ya pa lang galing sa unibersidad at nagcommute lang s'ya.

Nasa isang importanteng meeting kasi si Seb kaya hindi s'ya nito sinundo. Hindi rin naman pwedeng aasa na lang s'ya palagi sa kanyang kaibigan dahil alam naman n'ya kung gaano ito kaabala sa mga negosyong pinamamahalaan nito.

Hindi na rin n'ya tinawagan ang kanilang driver para sunduin s'ya dahil kaya naman n'yang umuwi ng mag-isa.

"Oh, nandito ka na pala, anak."

Nilingon n'ya ang kanyang ina at nginitian.

"Hi, mom." Tumayo s'ya upang hagkan ito sa pisngi. "Si Dad po?"

Hinaplos nito ang kanyang buhok.

"May kausap na investor, eh. Papakyawin daw iyong mga mangga natin."

Tumango-tango s'ya sa sinabi nito. Inaya naman s'ya nitong magmeryenda. Hindi na s'ya tumanggi dahil kumakalam na rin naman ang tyan n'ya.

Dalawang linggo na mula ng magsimula ang pasukan kaya abala na s'ya sa kanyang pagtuturo lalo na at na-ch-challenge s'ya sa mga estudyante n'yang matanong.

Nang matapos s'yang magmeryenda ay nagpaalam na s'ya sa kanyang ina na aakyat sa kanyang silid.

Hinilot-hilot n'ya ang kanyang sentido habang umuupo s'ya sa paanan ng kanyang kama. Dagdag pang inaantok s'ya.

Bigla na lang sumagi sa kanyang isipan ang nangyari noong huli nilang pag-uusap ni Seb. Magmula kasi ng gabing iyon ay hindi pa sila nakakapag-usap ng maayos dahil pareho silang abala sa kani-kanilang trabaho.

Nahihiya din naman s'yang buksan ang paksang iyon dahil hindi n'ya din alam kung ano ang kanyang sasabihin sa binata.

Yes, she did felt that weird feeling whenever she's with him. Pero hindi naman siguro iyon sapat para maghinuha na s'ya ng kung anu-ano.

Maybe, she's just being paranoid. Baka naman kasi iba ang ibig sabihin nito ng sinabi nitong gusto lang nitong marinig ang boses n'ya. She guess she just overacted that time.

Ipinilig na lamang n'ya ang isiping iyon. Ayaw n'yang bigyan ng malisya ang mga ipinapakita sa kanya ng binata at ganoon din s'ya dito. Hindi pwede. They're friends and it feels so wrong to feel something weird. Ayaw n'yang baka iyon pa ang maging mitsa ng pagkakalabuan ng kanilang pagkakaibigan.

PUPUNGAS-PUNGAS pa si Rhian habang pababa ng kanilang grand staircase. Sabado at walang pasok kaya medyo tinanghali s'ya ng gising.

Nakasuot pa s'ya ng pink na pajama top at bottom at pink na bunny slippers.

Nag-unat-unat pa s'ya habang papunta sa kusina.

"Good morning." Bati n'ya sa kanyang ama at ina at hinalikan ang mga ito sa pisngi. Ganoon din ang ginawa ng mga ito sa kanya.

Nang maupo s'ya sa kanyang pwesto ay inilibot n'ya ang tingin at napakunot ang kanyang noo ng mapagtantong kulang sila.

"Where's Kuya?"

Ibinaba ng kanyang ama ang binabasa nitong newspaper at inayos ang reading glasses nito bago s'ya tinignan. Napatigil din ang kanyang ina sa paglalagay ng pagkain sa plato nila ng kanyang ama.

Narinig n'ya ang pagbuntong hininga ng mga ito.

"Hindi s'ya umuwi?" She asked her parents.

Malungkot na umiling ang kanyang ina habang hinahagod ng kanyang ama ang likod nito.

His Hidden Identity [Completed]Where stories live. Discover now