Kabanata 32

3.4K 88 0
                                    

Kabanata 3

"Seb..."

Nilingon ng batang si Seb ang kanyang madrasta ng tinawag s'ya nito. "Po?"

Nakapamaywang ito at sinenyasan s'yang lumapit. "Halika nga muna dito."

Inilagay n'ya sa tabi ang hawak na bola at naglakad papalapit sa kanyang madrasta. Magdadalawang buwan na simula ng maikasal ito at ang kanyang ama. Kahit naman may parte n'yang tutol ay wala na s'yang magagawa pa. Ang ipinagpapasalamat lang n'ya ay mabuti naman ang pakikitungo sa kanya nito.

"Nakita mo ba si Rafael?" Nakakunot noong tanong nito ng makalapit s'ya.

Napakamot s'ya sa kanyang batok dahil sa tanong nito. Isa pa ito sa pinoproblema n'ya. Napakasungit sa kanya ng kanyang step brother. Kung minsan pa nga ay itinutulak na lang s'ya bigla kahit wala naman s'yang ginagawang masama.

Nang minsang makita ito ng kanyang madrasta na pinagmamalupitan s'ya ay nakatikim ito ng sermon at palo. Mas lalo lang tuloy itong nagalit sa kanya. Mas matanda ito sa kanya ng dalawang taon. Mas matangkad at mas malaki rin ang pangangatawan nito kumpara sa kanya kaya dehado talaga s'ya sa oras na manlaban s'ya.

"Nakita ko po s'yang lumabas kanina. Sabi n'ya makikipagbasketball lang daw s'ya."

Napahilot sa sentido ang kanyang madrasta. "Bakit kailangan n'ya pang makipagbasketball sa labas, eh, nandyan ka naman?"

Nagkibit balikat lang s'ya. Napailing naman ito. "Kabilugan ng buwan ngayon. Hindi s'ya pwedeng magtagal." Sambit nito na kinakausap ang sarili.

Kumunot ang kanyang noo. "Ah, Mama. Bakit hindi po s'ya pwedeng magtagal kung kabilugan ng buwan?"

Napansin n'yang parang nataranta ito. "A-Ah... delikado sa daan, S-Seb." anito na hindi makatingin sa kanya ng diretso. "Halika na sa loob. May hinanda akong meryenda."

"Aray, Kuya!" Daing ni Seb ng hampasin s'ya ni Rafael ng hawak nitong baseball bat.

"Gago ka talaga! Bakit mo 'ko sinumbong kay Mama? Ha?! Gusto mo ikaw na naman ang bida?!" Galit na galit na sumbat nito. Akmang hahampasin s'ya ulit nito ng pumalahaw na s'ya ng iyak.

"Putangina!"

Napahikbi s'ya ng akala n'ya ay s'ya ang susuntukin nito. Tumama ang kamao nito sa pader sa kanyang gilid. Nabahala s'ya ng makitang dumudugo ang kamao nito.

"K-Kuya... m-may sugat ka."

Tinapunan s'ya nito ng masamang tingin. "'Wag mo 'kong pakialaman!" Anito at lumabas sa kanyang silid.

Parang nauupos na kandilang napasalampak ang batang si Seb sa sahig habang yakap ang sarili. Nang tingnan n'ya ang kanyang braso ay napangiwi s'ya ng makitang namamaga iyon. Masakit din ang kanyang puwet na pinalo ng kanyang Kuya Rafael.

Tinanong lang naman s'ya ng kanilang Mama Mildred kung nasaan ito. Ayaw naman n'yang magsinungaling kaya sinabi n'yang kasama na naman nito ang mga barkada nito na s'yang dahilan kung bakit ito napapariwara. Narinig n'ya kasing may kausap ito sa telepono at plano nga nitong gumala.

Nang malaman iyon ng Mama Mildred n'ya ay pinagalitan si Kuya Rafael ng makauwi ito. Kakila-kilabot na sermon ang inabot nito mula sa ina ngunit balewala lang dito ang mga iyon. Halos manginig pa ang kanyang tuhod ng makitang napakasama ng tingin nito sa kanya.

Ayaw kasi ng Mama Mildred nila na gumagala ang Kuya n'ya lalo na sa tuwing sumasapit ang kabilugan ng buwan. Hindi n'ya alam kung ano ang dahilan dahil sa tuwing tinatanong n'ya ito ay hindi ito makatingin sa kanya ng deretso. Nagkikibit balikat lang rin ang kanyang ama at sasabihing delikado daw sa tuwing kabilugan ng buwan.

His Hidden Identity [Completed]Место, где живут истории. Откройте их для себя