Kabanata 33

3.4K 85 0
                                    

Kabanata 33

"Ganda..." Lambing n'ya sa asawa.

Hindi s'ya nito kinibo. Tumalikod lang ito sa kanya ng higa at umusog patungo sa pinakagilid ng kanilang kama.

Napabuntong hininga s'ya. Tatlong araw na s'ya nitong hindi kinikibo. Binigyan nga s'ya nito ng oras para mapag-isipan ang mga bagay na bumabagabag sa kanya ngunit labis naman s'yang nalulungkot.

Wala pa ngang kalahating taon silang ikinasal ngunit heto at ang dami na nilang pinag-aawayan. Gusto n'yang saktan ang sarili dahil alam n'yang s'ya lang naman ang dahilan ng lahat ng mga nangyayari.

Kung hindi n'ya lang sana itinatago kay Rhian ang lahat ay baka maayos sila ngayon.

Maayos nga ba?

Iyon ang pinangangambahan n'ya. Gusto n'yang sabihin na ang lahat ngunit natatakot s'ya. Lalo na at hanggang ngayon ay hindi pa rin nahahagilap ng kanyang mga tauhan ang taong matagal na n'yang hinahanap.

"Good morning! Pinaghanda kita ng breakfast," maligayang sabi ni Seb ng makitang pupungas-pungas na bumangon si Rhian sa kama.

Ibinaba n'ya ang tray ng pagkain sa side table at tinabihan ito. Hinagkan n'ya ang pisngi nito. Kahit paano ay napahinga s'ya ng maluwag ng hindi ito umiwas.

"Kain ka na, Ganda. Ako ang nagluto n'yan."

Ngunit hindi s'ya pinansin nito. Tumayo ito at pumasok sa banyo.

Napabuntong hininga s'ya. Kasalanan n'ya ang lahat ng ito. Kung hindi s'ya naglihim dito ay hindi naman ito aakto ng ganun. Ngunit hindi n'ya rin alam kung malulutas ba ang problema kung sasabihin n'ya. Baka ay lalo lang lumala.

Iniwan n'ya ang tray ng pagkain sa kanilang silid. Umaasa s'yang kakainin iyon ng misis n'ya bago pa ito pumasok sa unibersidad.

"Master."

Nilingon n'ya si Connor at bumaba ang kanyang tingin sa folder na hawak nito.

"May papipirmahan ka ba?"

Umiling ito. "Wala po. Nirereview ko lang ang profile ng taong pinapahanap n'yo."

Napailing s'ya at mapait na ngumiti.

"Wala na yata talagang pag-asa pa. Ilang taon na natin s'yang hinahanap. Ilang beses mo nang pinag-aaralan ang mga impormasyong pwede nating magamit sa paghahanap sa kanya pero bigo pa rin tayo."

Nakita n'ya ang simpatya sa mga mata nito. Napaiwas s'ya ng tingin at napabaling sa direksyon ng hagdanan ng makitang pababa na ang asawa n'ya. Nakabihis na ito ng damit pampasok.

Tinapik n'ya ang balikat ng tauhan. "Sige, mag-usap na lang ulit tayo mamaya."

"Sige po," anito na nakatanaw na rin sa asawa n'yang napakaseryoso ng aura.

"Hindi pa po ba kayo nagkakaayos?"

Umiling lang s'ya.

"Baka po-"

Muli n'yang tinapik ang balikat nito. "Away mag-asawa lang ito, Connor." Aniya at sinundan si Rhian papunta sa labas ng mansyon.

Dire-diretso lang ang lakad nito kahit na tinatawag n'ya ito. Naririnig s'ya nito ngunit pilit s'ya nitong iniignora.

Akmang bubuksan nito ang pinto ng sasakyan ng mahagip n'ya ang braso nito.

"Ganda, kailan mo ba ako kakausapin?"

Hindi ito kumibo. Nakatingin lang ito sa kamay n'yang nakahawak sa braso nito.

"Patawarin mo na ako. May mga bagay lang talaga na hindi mo na kailangang malaman pa para hindi ka na mamroblema. Isa pa," napalunok s'ya. "K-Kaya ko na namang lutasin 'yun."

His Hidden Identity [Completed]Where stories live. Discover now